Chapter 49

10.9K 374 28
                                    

Order my published books at WARRANJ SUAREZ MONASTERIO on Facebook.

Chapter 49

Binigyan niya ako nang mabilis na sulyap bago muling ibinalik sa kalsada ang atensyon.

"What's wrong?" he asked.

Umiling ako at itinuon sa bintana ang mga mata. The usual busy streets of Manila was filled with people walking on the sides. Above them was the sun still striking across the land as if the day has just begun.

"Wala naman. Iniisip ko lang kung magugustuhan ng mga bata ang mga binili ko para sa kanila." pagsisinungaling ko.

Ayaw kong sabihin sa kaniya ang bumagabag sa akin sa mga sandaling ito. Hanggang ngayon, kahit nakaalis na kami sa bahay ay naririnig ko pa rin ang boses ni Mommy sa tainga ko.

Her voice that kept on whispering which made me bothered about Shannen. Paano kung may ibig sabihin ang tingin na 'yon ni Terrence sa kaniya? What if they're just more than friends?

Wala naman akong karapatan magalit o kuwestyunin siya, hindi ba? Magkagusto man siya sa iba, hindi na dapat ako makialam doon dahil sa pagkakatanda ko, hinayaan ko siyang magmahal ng iba nang umalis ako.

I gave him the blessing to love someone else because I wasn't sure if I would still come back here.

If he has something for her, what reason might he has for following me to States and made me go home? Sinasabi niya rin na gusto niya pa rin akong pakasalan at makasama hanggang sa huli. Na walang nagbago.

Hindi ko maunawaan.

"As long as it's colorful, Alexene will surely like it. Alexandre on the other hand isn't materialistic. Sometimes, I even think that he doesn't care if you have something for him or none."

I heard what he said but my mind was too focus on something else. It's even annoying that tears were threatening to fall down my eyes.

"That's great," hilaw akong natawa. "I badly want to see them smile at me."

Tumungo ako at nakagat ang labi nang maramdaman ang pagkabasag ng boses ko. Mas itinagilid ko ang ulo huwag niya lang makita ang itsura ko sa mga sandaling ito.

"Let's have a cup of coffee," aniya matapos ko siya marinig magpakawala ng buntonghininga. "Coffee always calms you down."

Umiling ako, walang gana para sa bagay na 'yon. Alam kong iniisip niya na ang mga anak namin ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito. I'll let him think that way.

Ang sabihin sa kaniya ang pag-aalala ko tungkol kay Shannen, sa tingin ko ay hindi ko pa kaya.

Pinahiran ko ang pisngi gamit ang likod ng palad at nilingon siya. He shot me a quick glance to check me and hit his gaze back to the road.

"Let's just go home. I want to rest and see the kids already."

"Wala pa sila sa bahay. They'll be there until dinner. Gusto ka makita ni Mama. Sinabi kong tatanungin muna kita."

"Sa isang araw, Terrence. Puwede na siguro 'yon. I have a check up tomorrow."

Tumango siya. "Sasamahan kita."

"No important meetings?"

"I'll cancel them. Your condition is more important than those meetings."

Hindi na ako sumagot pa dahil alam kong hindi ko rin naman siya mapipilit kung sabihin kong huwag na siyang sumama.

Nakarating kami sa bahay. Tanging si Manang Rosenda lang ang bumungad sa amin. Tahimik at masiyado 'yong nakabibingi.

"Aakyat na muna ako sa kwarto." paalam ko.

Monasterio Series 8: Nights in Casa Vallejo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon