Chapter 53

13.6K 428 161
                                    

Chapter 53

Terrence tried to reach for my arm.

I stepped back.

My vision of him started to become blurry. His image became distorted like a reflection in the water. But one thing I could clearly see was the pain in his pair of obsidian eyes while staring at me.

"We'll talk, Priscilla." he said in a calm voice.

I slowly shook my head while my tears kept on cascading down my cheek. Wala sa sarili kong tiningnan sina Dice, Dustine at Skyler sa likuran niya. They were still sitting there but trying to avoid my gaze. Tanging si Skyler lang ang may kakayahan titigan ako sa mga sandaling ito.

Ibinalik ko ang tingin kay Terrence. His jaw was clenching. Sa paraan pa lang ng paggalaw ng mga buto sa panga niya, ramdam ko ang matinding pagpipigil niya sa emosyon niya.

Walang salita akong tumalikod. Narinig ko ang mariin niyang pagmumura hanggang sa tuluyan akong lumayo sa kinaroroonan niya.

I don't want to stay here any longer. Naisip ko ang mga bata pero alam kong marami ang narito para alagaan at bantayan sila. I just can't stay here after what I heard right now.

What about Shannen? Ano'ng mayroon sa kanilang dalawa? Ano'ng hindi masabi sabi sa akin ni Terrence at nahihirapan siya?

May kung anong pumapasok sa isip ko pero ayaw kong intindihin 'yon. I don't want to entertain that thought because it contradicts his words back then.

Mahal niya pa rin ako, hindi ba? Gusto niya pa rin ako pakasalan. Kaya niya nga ako iniuwi pabalik dito sa Pinas ay dahil hanggang ngayon, ako pa rin.

Iyon ang sinabi niya. Gusto kong panghawakan 'yon.

Kung may ibang babae na... kung may kapalit na ako... bakit niya pa sasabihin sa akin ang mga bagay na 'yon? Is it for revenge? He wants to get even with me because of what I did to him before? Kung iyon man ang dahilan, hindi ba't parang sobra?

Lumayo lang ako dahil hindi ko siya kaya makitang nasasaktan. Kung gagantihan niya ako sa pamamagitan ng ibang babae, hindi ko maunawaan kung bakit kailangang ganoon kalupit.

Ganoon na ba kasama ang nagawa ko?

Dahil sa back door ako dumaan patungong garden ay madali akong nakalabas sa gate ng mansyon. Hindi ko na magagawa pa ang magpaalam sa lahat dahil ank mang oras, ramdam kong bibigay na ako.

Gustuhin ko man makasakay na kaagad ng cab ay walang dumadaan na kahit isa. Malalaki ang naging hakbang ko palayo sa lugar na 'yon. Hilam ang luha, maging ang dinadaanan ay hirap na rin makita.

Marahas akong napalingon sa likuran nang maramdaman ko ang marahang paghawak sa aking siko.

Terrence was there, staring at me with his pleading eyes.

"Mag-usap tayo nang maayos." seryosong aniya.

Hindi na napigilan pa, nagsimulang humarang ang bikig sa lalamunan ko dahilan para impit akong humagulgol.

"Ano 'yung narinig ko, Terrence?"

His jaw clenched again. He pursed his lips while obviously trying to control his breathing.

"Hindi tayo mag-uusap sa lugar na 'to, Priscilla."

Suminghap ako at nag-iwas ng tingin. Binawi ko ang kamay ko mula sa kaniya at huminga nang malalim. Pilit kong pinapakalma ang sarili dahil ayaw kong dumating sa punto na hindi na rin ako makapag-isip ng tama.

Nilagpasan ko siya at nauna nang naglakad patungo sa kotse niya. It was already open. I went inside without looking at him.

Nasa labas lang ng bintana ang atensyon ko kahit pa nang makasakay na siya. The silence was deafening me but I had to endure it.

Monasterio Series 8: Nights in Casa Vallejo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon