Chapter 8

16.1K 476 12
                                    

Pre-order for Nights In Casa Vallejo book! Visit KPub PH and Warranj Novels Facebook page for details.

--

Chapter 8


Kahit naman ata ipilit ko sa sarili ko na hindi ako dapat makipagrelasyon kay Terrence, ako mismo ay hindi namamalayang sumusuway na rin sa paninindigan ko.

Umaayaw ako pero sa tuwing magdidikit kaming dalawa, hinahayaan kong may mangyari sa amin dahil iyon rin naman ang gusto ko. I'm always finding it hard to resist him.

He got the charm. He has so many ways to make me agree with everything he wants. Na kahit pa ang disgusto ko na makipagrelasyon sa mas bata sa akin, nagagawa ko rin baliin.

"How many boyfriends have you already had?" Terrence suddenly asked.

Ngumiwi ako matapos niyang itanong iyon. Is he really serious about being in a relationship with me? Ganoon na ba talaga ngayon, kapag nakipagtalik ka sa isang lalaki, automatic nang may relasyon na kayo pagkatapos?

Tiningnan ko siya. We're both lying on the bed, naked and a bit exhausted. Tanghali na at nandito pa rin kami sa kama. Mula pa kaninang umaga, hindi na namin tinigilan ang bagay na 'yon. We'll just stop for food and bathroom break. Pero kapag natapos na, gagawin ulit.

Terrence is insatiable. He doesn't run out of energy. Para siyang palaging may lakas pagdating sa bagay na 'yon. Pagdating sa akin.

So much for my first time but I'm enjoying it.

"You are really pushing it, huh? Ikaw muna ang tatanungin ko. Bakit gustong gusto mo na magkaroon tayo ng relasyon? Aren't you committed to someone?" matapang na tanong ko na sinundan pa ng ngisi. "Are you even capable of committing yourself?"

I saw him look at me through my peripheral vision. Nagtagal iyon, nakikipagtitigan.

"You think I'm already in a relationship with someone and I'm just cheating on her?"

Huminga ako nang malalim at tiningnan na rin siya sa wakas. Gusto ko na kaagad magbawi dahil sa paraan ng paninitig niya sa akin. Masiyadong malalim.

I laughed to shrug that away.

"Well, who knows? I heard that you are a playboy. Malay ko ba kung totoo iyon. Most of the businessman I know, they never take women for serious. I might not be an exemption."

I bit the insides of my cheek. Totoo naman ang sinasabi ko at hangga't maaari, ayaw kong maapektuhan dahil doon. So what if he's just playing with me?

Dapat ay inaasahan ko na 'yon. Madali niya akong nakuha kaya madali lang rin bibitawan. Hindi ko na lang talaga maintindihan kung bakit gusto niya pang may relasyon kaming dalawa.

I heard him sigh.

"You're right. I'm in a relationship."

Nakagat ko ang ibabang labi, hindi ipinahalata ang kirot na natapon sa dibdib ko. Sabi ko na nga ba. Hindi na ako nagugulat pa. Kaya lang... may pait rin palang hatid ang marinig iyon mismo sa mga labi niya.

I chuckled. "I'm not going to be your mistress."

Inalis ko ang kumot na nakatapis sa katawan ko, wala nang pakialam pa kahit makita niya akong hubad tutal ay maraming beses na rin naman 'yon nangyayari.

I was about to step out of the bed when Terrence suddenly got a hold of my wrist and pulled me back. Awtomatiko akong napapihit paharap at sumubsob sa dibdib niya. Mabuti na lang at naituon ko ang mga kamay roon dahilan para ma-kontrol ko pa ang sarili ko na tuluyang bumagsak sa kaniya.

Monasterio Series 8: Nights in Casa Vallejo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon