Chapter 37

11.4K 436 42
                                    

You may message Warranj Suarez Monasterio on Facebook to avail a copy of Night In Casa Vallejo book .


Chapter 37

Kinalma ko ang sarili at sinikap na kontrolin ang mga luha mula sa pagbagsak sa mga pisngi ko. I tried to exhale and collect my composure. Nang maramdaman na kaya ko nang pigilan ang emosyon ko ay lumabas na ako sa pagkakatago sa gilid.

"I remember your mother before, Terrence. Ganiyan rin ang mga galawan katulad kay Alexene. Sana ay lumaki rin siyang masayahin katulad ng Mama mo. Pero pakiusap, huwag na manahin pa ang pagiging matigas ang ulo." Madame Trinity uttered accompanied by an elegant laugh.

Taas ang aking noo, nagtungo ako sa gawi nina Madame Trinity at Terrence na nakaupo sa magkabilaang couch. Tanaw ko ang kambal na naglalaro sa harapan nila. Nakalatag ang kulay white na puzzle mat, ang mga laruan ay nagkalat.

"Hindi po siguro, 'La. Priscilla is a strict woman. I'm sure she'll be able to handle them well."

Lihim akong napangiti. It's somehow happy to hear from him that he trusts me when it comes to disciplining our kids. Na kahit unang beses kong maging ina ay malaki na kaagad ang tiwala niya sa akin.

Una at huling beses.

"Well, too much strictness can still lead to a rebellious child. I'm not saying that your mother is the right example. Ang akin lang ay hindi rin maganda ang masiyadong mahigpit."

Hindi na nakasagot pa si Terrence dahil natanaw niya na akong papalapit. Siya ang nakaharap sa gawi ko kaya siya rin ang unang nakakita sa akin.

Nagtama ang mga mata namin. He didn't smile. He's just looking into my eyes with intimidation. Hindi rin naman siya mukhang galit pero ang katotohanan na hindi niya makuha ang ngumiti ay nagpapatunay lang na masama pa rin ang loob niya sa akin.

Still, I tried to smile a little. Kung hindi niya man suklian, naiintindihan ko.

"Good afternoon po." bati ko dahilan para lumingon sa akin si Madame Trinity.

"Priscilla!" she smiled at me.

Hindi na ata mawawala pa sa akin ang takot pagdating sa kaniya. She's the fiercest woman I know. Simpleng tingin ay tila ba tumatagos sa kaluluwa ko.

I slouched down and kissed her on the cheek. Her sophisticated and luxurious perfume lingered in my nostrils. Tinapik niya ang likod ko dahilan para humiwalay na ako.

"I'm happy to see you here po." sabi ko.

"I actually just dropped by here to see your twins. Aalis na rin ako dahil magkikita pa kami ng Lolo Flavian ninyo," nakangiting aniya. "Maybe we can set dinner next week? What do you think, Terrence?"

Bahagya kong nilingon si Terrence. He was staring at the twins as if he was busy playing with them.

"No problem, 'la. We will schedule it and inform you right away."

Tumango si Madame Trinity at nag-angat ng tingin sa akin.

"I'll leave now. Can you walk me to the door, hija?"

I nodded. "Sure po."

At her age, she can still walk straight. Elegante at walang bakas na nanghihina ang bawat galaw niya. Kahit nang paalis na kami sa gawi ni Terence, sumabay lang siya sa paglalakad ko at taas ang noo.

"I can smell the misunderstanding..." she whispered it through the silence.

Napatingin ako sa kaniya. Diretso siyang nakatingin sa harapan na para bang sa ganoong asta niya ay alam ko na dapat ang ibig niyang sabihin.

Monasterio Series 8: Nights in Casa Vallejo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon