Chapter 43

10.6K 398 14
                                    

You may message Warranj Suarez Monasterio on Facebook to avail a copy of Night In Casa Vallejo book.

Chapter 43

Kung puwede lang umatras, ginawa ko na. I didn't know that it would be too anxious to go home and meet the people I left before again.

Pero alam kong hindi na rin ako makakabalik pa. I have to face them again and at least let them hear my side.

Kahit pa alam naman nila ang totoo.

"Alam ba nilang ngayon tayo babalik?" tanong ko kay Terrence habang sakay kami ng eroplano.

Ilang oras na lang rin at lalapag na kami. Ngayon ko lang naisip itanong sa kaniya dahil ang kabuuan ng atensyon ko ay nasa mga pamilya namin.. at iisipin ng mga ito oras na makita nila ako.

"I did not tell anyone. Naisip kong gusto mo silang supresahin." aniya at muling dinala ang kamay ko sa labi niya.

Kahit pa gusto kong supresahin sila, alam kong hindi rin ako makakaramdam ng tuwa dahil sa ginawa kong hindi pagpapaalam sa kanila noon.

Huminga ako nang malalim at itinuon sa labas ng bintana ang atensyon ko. The pink and white skies were like cotton candy playing around the wings of the aircraft.

Sa buong biyahe, doon lang ako palagi nakatingin dahil pakiramdam ko ay nagagawa kong kumalma.

Hindi nagtagal at lumapag na ang eroplano sa Maynila. Terrence was being very careful in taking care of me. Maya't maya ay nagpapasalamat ako sa kaniya dahil malaking bagay iyon para sa akin.

Aminado akong hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nasa tabi ko siya at inaasikaso ako na parang walang nangyari sa nakaraan.

"I'm finally here..." I whispered under my breath as soon as my feet landed on the ground.

I felt his hand wrapped around my waits. Hindi na ako tumingin pa sa kaniya at hinayaan na lang ang sariling tumitig sa harapan.

"Welcome back home." Terrence muttered.

Nilipad ng hangin ang dulo ng scarf ko. Tila ito isang saranggola na dinadala ng hangin. Mabuti na lang at maayos ang pagkakatali ni Terrence sa ulo ko at hindi ito magawang liparin.

"Kinakabahan ako, Terrence." mahinang saad ko.

"Don't be," he sighed. "I suddenly missing the old Priscilla."

Tinitigan ko siya nang mariin. Alam ko naman ang ibig niyang sabihin. He knew how fierce and unbothered I was, and I bet those were some of my characters that he fell in love with.

Right now, all I can see in myself is a coward woman.

His car was already parked at the terminal when we got out. Sumakay kami roon at tahimik lang na nagmaneho paalis ng airport.

"Saan tayo unang pupunta, Terrence?" tanong ko.

Wala pa man ay matinding kalabog na ng puso ang naghahari sa akin sa mga sandaling ito. He was busy maneuvering the steering wheel, eyes focused mainly on the road.

"Where do you want first?"

Sandali akong natahimik, iniisip mabuti kung saan ba ang mas dapat. Isa lang ang sigurado ako. Huli kong pupuntahan ang mga bata.

Hanggang ngayon, hindi pa rin ako handa harapin sila. I have never felt afraid facing huge and powerful people before. Pero ngayong sa mga anak namin ay para akong hihimatayin sa sobrang kaba at pag-aalala.

"Kina Mommy na lang muna."

Tumango siya nang hindi ako binabalikan ng tingin.

"We can just visit my parents tomorrow. Sa mga magulang mo na lang muna at sa bahay."

Monasterio Series 8: Nights in Casa Vallejo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon