Chapter 59

12.7K 354 12
                                    

Order a copy of Nights In Casa Vallejo at WARRANJ SUAREZ MONASTERIO on Facebook.

Chapter 59

"I was actually surprised when she told me. I didn't expect it." naiiling na sabi ko habang may ngiti sa mga labi.

We were now in the Hill Station's coffee shop beside Casa Vallejo. Nang matulog ang mga bata sa hotel ay itinuloy na namin ni Terrence ang alok niyang kape. I told him that we can't stay too late here. Baka magising ang mga bata at hanapin kami.

Pero duda ako. Maaga silang nakatulog parehas dahil na rin sa sobrang pagod. Lalo pa at kasama na namin si Terrence sa pamamasyal. The twins, mostly Alexene couldn't contain her happiness after finding out that her father would be with us during this trip.

"What did you expect then?" he asked through his raspy voice.

Huminga ako nang malalim habang nakasandal ang ulo sa balikat niya. Imbes na sa kabilang upuan ako maupo, sa mismong tapat niya, mas pinili niyang magkatabi kami sa iisang couch.

"I thought you chose her. Sinubukan ko nang itanim sa isip ko ang ganoong klase ng katotohanan para kung sumambulat man sa akin ang balita, hind na gaanong kasakit."

He let out a taunting smirk. "I never make her an option, Priscilla. Una pa lang ay alam ko na sa sarili ko kung hanggang saan lang ang nararamdaman ko para sa kaniya. I have to admit that I did try to look for you through her. Pero ni minsan, hindi ko siya nakita bilang ikaw."

Kung nakita niya siguro ako sa pagkatao ni Shannen, maaaring hindi niya na ako pinuntahan pa sa States at iuwi kasama niya.

Siguro nga ay totoo rin ang kasabihan na palaging mayroong itatanggi sa bandang huli. O, maaaring sinubok lang rin siya ng tadhana.

"You can't blame me. I refused to hear any news about you. Si Mommy ang gusto palaging magkuwento tungkol sa'yo pero palagi ko siyang pinipigilan."

He chuckled, his hand was seductively drawing circles on my leg.

"Bitter."

Natawa ako at bahagyang kinurot ang braso niya. He groaned while trying to suppress his laugh.

"Medyo. Hindi ko kasi alam kung kakayanin ko oras na mabalitaan kong mayroon ka ng iba. Imagine my relief when I found out that she's pregnant with Sylas."

"Don't tell me you even thought that her babies are mine?" hindi makapaniwalang tanong niya.

Natawa ako. "Yes. Kasi nga akala ko kayong dalawa!"

"You're unbelievable."

I giggled and poked him on his waist. "Sorry. Ang advance ko talaga mag-isip pagdating sa ating dalawa. Pagdating sa'yo."

Narinig ko ang malalim niyang paghinga. Mula sa hita ko ay dinala niya ang kamay sa aking balikat at pinatakan ako ng halik sa noo.

"Sylas has already proposed to Shannen. As I am to you. I guess there's no more reason for you to feel bothered? Noon pa naman, sa'yo na ako. Kahit naguluhan dahil sa iba, sa'yo ko pa rin nakikita ang sarili ko na magkakaroon ng wakas."

I slowly closed my eyes and filled my chest with air. A smile suddenly blossomed out of my lips when I realized that we are now down to our happy ending.

Magkaroon man kami ng problema sa hinaharap, alam kong wala ng magiging dahilan pa para masira kaming muli. We know better and I can say that no trials, pain and challenges will tear us apart anymore.

Magkahawak ang mga kamay namin nang lumabas kami ng Hill Station. Mabagal ang paglalakad at tila ninanamnam ang mga ganitong sandali.

"It feels new," Terrence said out of nowhere. "This. Us."

Monasterio Series 8: Nights in Casa Vallejo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon