Chapter 48

12.2K 396 84
                                    

Order my published books at WARRANJ SUAREZ MONASTERIO on Facebook.

Chapter 48

I keep everything in my heart and bury all the words in my head. Lahat ng sinabi sa akin ni Terrence, pinilit kong isapuso.

Ayaw ko siyang sisihin sa mga nangyayari ngayon. Alam kong malaki ang parte na ako ang may pagkakamali kung kaya ganoon na lang ang mga bata pagdating sa akin. I appreciate him for doing what he could to help me get in their lives.

Kahit malayo pa sa posibilidad, kahit wala pang linaw, alam kong hindi magtatagal at mapapalapit rin ako sa kanila.

"Aalis muna ako."

From looking at his laptop, Terrence raised his dark gaze and met mine. Narito kami sa kwarto. Isinama ni Clarisse ang kambal patungo sa bahay nila para makalaro ang anak niya.

Hindi ko na nagawa pang humarap sa kanila ni Shannen matapos ang nangyaring diskusyon sa amin ni Terrence.

Wala akong naging sagot doon. Wala rin namang problema kung tutuusin. Terrence on the other hand didn't allow her because of me. Sinabi kong ayos lang lalo at gusto rin ng mga bata ang sumama sa kaniya. While they are gone, I want to do something.

"Where are you going?" he asked.

"Sa mall."

"I'll come with you."

Umiling ako. "Hindi na kailangan. I heard that you have to go to work for an important meeting. Kaya ko na ang sarili ko-"

"What if something bad happens to you?" Tumayo siya, bahagyang salubong ang makakapal na kilay.

It somehow surprised me how we can still pull this kind of conversation out after our fight earlier this morning. Parang wala na lang rin nangyari. He apologized to me for raising his voice and I did the same... for blaming him.

"Kaya ko na ang sarili ko, Terrence. I may not be that strong like before but I'm feeling better. I will just keep you updated."

Balak ko rin pumunta kina Mommy pagkatapos magawi sa mall. Hindi pa rin kami nakakadalaw sa mga Monasterio. One of these days, for sure we will.

He inched closer to me and cut our distance. Tumayo siya sa harapan ko at hinawakan ako sa magkabilang braso ko.

"Are you mad?" he asked.

I shook my head. "Hindi. I got your point. Pasensiya na rin. All my emotions compiled that led me to bursting out. It won't happen again."

Hindi niya inaalis ang pagkakatitig sa akin, tila ba may sagot pa siyang gusto marinig.

"I'm sorry if you still have to worry about this. We'll just buy time. I'm sure it will be fine soon."

Tipid akong ngumiti sa kaniya at tumango.

"I understand. Maghihintay ako kung kailan sila magiging handa."

Dumulas ang kamay niya sa aking pisngi patungo sa aking batok. Marahan niya akong kinabig palapit sa kaniya at pinatakan ng halik sa noo. He embraced me gently and it somehow put me at ease.

"Ihahatid kita kung saan ka pupunta. Bring Manang Rosenda with you. Hindi rin ako mapapalagay kung ikaw lang mag-isa ang aalis."

"Sige. Nasaan na pala si Ate Helena?" tanong ko nang maalala ang naging kasama ko noon habang nagbubuntis.

Mabagal ang bawat paghaplos niya sa likuran ko. That kind of gesture from him always gives me comfort and he knows it.

"Months after you left, her daughter met an accident and died. I heard that you were funding her studies before?"

Monasterio Series 8: Nights in Casa Vallejo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon