Chapter 51

11.8K 420 24
                                    

Order my published books at WARRANJ SUAREZ MONASTERIO on Facebook.

Chapter 51

Naaaliw kong pinagmasdan si Alexene na nakanguso at tila nag-iisip. With the way her eyes move while tasting the food that Terrence cooked, it didn't seem like she liked it.

"No. It doesn't taste like this, Dad." she murmured.

Napatingin ako kay Terrence na napapailing lang habang may ngisi sa mga labi. He was really happy when I told him what happened last night between me and the kids. Pakiramdam ko pa, hindi pa siya makapaniwala kaagad.

Ako rin naman ay ganoon rin ang naging reaksyon. Until now, I still can't believe that they have already forgiven me. Pero alam kong dapat ko pa rin gawin ang kung ano mang mga ipinangako ko sa kanila kahit pa ngayong maayos na kami.

I still have to make it up with them. Hangga't kaya ko, babawi ako.

"It's just the same dish that I cooked last time, princess." natatawang sabi ni Terrence.

He volunteered to cook adobong pork for lunch. He said that it's the twins' favorite. Hinayaan ko siya dahil alam kong masarap siya magluto. Kaya lang ay hindi 'yon pumasa kay Alexene.

"It's the same, Alexene." tipid na sabi ni Alexandre habang abala sa pagkain.

Ngumuso si Alexene. "I don't know but it seems different right now..." she said until her eyes suddenly grew round as if she remembered something. "I know na, Daddy! The last adobo I ate was Tita Shannen's version po!"

Ang ngiti sa mga labi ko, unti-unting naglaho. Tila ako nawalan ng kakayan ibalik ito dahilan para mapatungo ako sa plato ko.

Huminga ako nang malalim at alanganing bumaling sa gawi ni Terrence. He was seriously staring at his plate, too.

"Nag...luto siya dito?" tanong ko sa mahinang paraan, iyong hindi maririnig ng mga bata.

He glanced at me, his jaw clenched. Umiling siya, tila sigurado sa isasagot sa akin.

"She had it delivered through Clarisse," aniya sa matigas na boses. "I told you she only came here once and I wasn't here."

Tumango ako, wala nang naisagot. Ibinalik ko na lang sa kinakain ang atensyon ko kahit pa ramdam ko ang pagbigat ng aking dibdib.

Sa isang beses na nakita ko si Shannen, I witnessed how genuine she is for apologizing that she visited the kids without Terrence's permission. Ang sabi rin ni Alexene ay pinagsabihan siya ni Shannen sa hindi magandang asal niya.

Siguro, wala naman talaga siyang ibang dahilan kung bakit niya inilalapit ang sarili sa mga bata. I was trying to think that she's just fond of them and nothing else.

Ayaw kong mag-isip nang hindi maganda. Ayaw kong bigyan sila ng kahit anong malisya. Kung sakali man na may namagitan noong mga sandaling wala ako, hindi ba dapat at labas na ako roon?

Iniwan ko siya sa ere. Binigyan ng karapatan magmahal ng iba. Kung sakali mang totoo ang iniisip ko, wala pa rin akong karapatan na sumbatan siya.

Pero maisip ko pa lang na nagawa niya ngang maibaling sa iba ang atensyon niya, para na akong tinutusok ng libo-libong punyal sa puso ko.

"Mommy, you should try to cook adobo for us po. I love it when there's so many pineapples!" pukaw ni Alexene sa akin.

Pinilit kong alisin sa isip ko ang tungkol kay Shannen at itinuon kay Alexene ang atensyon. I smiled at her and nodded my head.

"Sure. Just tell me when you already feel eating it again."

She clapped her hands and cheered. Napatingin ako kay Alexandre na napapailing. Hindi ko pa siya naririnig na tinatawag akong mommy. Ayos lang naman. Marahil ay hindi pa rin siya handa.

Monasterio Series 8: Nights in Casa Vallejo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon