Chapter 60

18.5K 414 30
                                    

Order a copy of Nights In Casa Vallejo book at Warranj Suarez Monasterio Facebook page.

This is the last chapter before the epilogue.

Chapter 60

The day after we got back to each other, we immediately went back to Manila. Dahil masiyado kaming matatagalan sa biyahe kung gagamit kami ng kotse pauwi, Terrence decided to use a helicopter that was personally owned by the Monasterios.

Nalungkot si Alexene nang malamang uuwi na rin kami. Kaagad namang napawi nang malaman na magpapakasal na kami ng Daddy niya. She literally became the happiest girl.

So was Alexandre who tried to hide his happiness through his smirk.

"I'm so happy, dowter. Sa hinaba haba ng prusisyon, sa simbahan rin ang tuloy. I want a grand wedding, alright? Hindi puwedeng simple lang." litanya ni Mommy.

Dito kami sa bahay nina Mommy dumiretso ni Terrence pagkababa ng helicopter sa rooftop ng building ng main office nila. Kaya lang ay kinailangan niya rin kaagad magpaalam para asikasuhin ang magiging kasal namin... mamayang gabi.

He was serious about marrying me tonight. Hindi na kayang maghintay ng ilang araw pa. Iyon rin naman ang gusto ko. Kung puwede lang na maikasal na kami ngayon mismo, ginawa namin. But that decision won't work mostly if I have a mother like Eula. She would surely demand for a grand wedding.

"Mommy, ang gaganapin po mamaya ay simple lang at hindi gaanong paghahandaan. Uulitin na lang po ang kasal para mas makapaghanda po nang maayos." paliwanag ko.

Dumapo ang mga mata ko sa kambal. They were busy playing with their own toys. Si Alexene ay pasulyap sulyap sa akin.

"Honey, I can't imagine what kind of set up Terrence would prepare later. Hindi ba puwedeng mag-set na lang kayo ng schedule para sa engrandeng kasalan?"

Huminga ako nang malalim. Pakiramdam ko ay mas stress pa siya sa akin kahit pa hindi naman siya ang ikakasal.

"Mommy, ilang beses ko nang tinanggihan si Terrence pagdating sa kasal, hindi ba? Iisang tabi na po natin ang engrandeng kaganapan. Babawi na lang po kami sa susunod."

She sighed. "Fine. I'll just contact my designer to look for an elegant wedding dress that will fit you. I'll make sure that you will be the prettiest bride tonight."

I smiled at her. Dumukwang ako palapit sa kaniya at niyakap siya.

"Thank you, Mommy. For everything."

She scoffed. "Don't make me cry, Priscilla Amor."

I chuckled. Kusa akong napatingin sa main door nang mula sa gilid ng mga mata ay nakita ang pumasok doon. I unconsciously loosened my arms from Mommy's body when I saw Matteo and Zoren.

They were both looking at me. Seryoso ang mga mukha at malayo sa palagi kong nakikita noong mga panahon na hindi pa ako nagkakasakit.

Hindi na rin naman sila nagpakita at nagparamdam sa akin. Ang sabi lang ni Mommy ay abala ito sa mga sariling kumpanya. Zoren is also married to Clarisse but I haven't asked anything about them from Terrence.

Tumayo ako at sinubukan ngumiti sa kanila.

"Hi."

Hindi nila ako binati pabalik pero ang mga mata nila, nananatiling nakatitig sa akin. Nakaramdam ako ng pagkapahiya. Siguro nga ay masama ang loob nila sa akin lalo pa at hindi ko man lang nasabi sa kanila ang mga naging hakbang ko noon.

Diretso pa rin ang paglalakad nila palapit sa gawi ko. I avoided their eyes and looked at Mommy who was eyeing me with a little smile on her lips.

Bago ko pa man maibalik ang tingin sa kanila ay naramdaman ko na ang pagpulupot ng mga bisig sa akin. Sinubukan kong tingnan 'yon at nakita si Matteo na nakayakap sa akin.

Monasterio Series 8: Nights in Casa Vallejo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon