Chapter 54

14.1K 472 147
                                    

Order a copy of NIGHTS IN CASA VALLEJO here: WARRANJ SUAREZ MONASTERIO on Facebook.

Order a copy of NIGHTS IN CASA VALLEJO here: WARRANJ SUAREZ MONASTERIO on Facebook

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 54

Tila nawalan ng lakas ang mga kamay ko at nanghihinang napabitaw mula sa pagkakahawak sa mga balikat niya. Warm tears streamed down my face, squeezing my eyelids shut in the hope they would stop.

Pigil na pigil ang bawat hikbi ko habang titig na titig sa kaniya. Hindi rin siya gumagalaw mula sa pagkakatitig sa akin na para bang sa ganoong paraan, sinusubukan niyang alamin ang bawat emosyong yumayakap sa puso ko.

"Almost..." ulit ko sa pumipiyok na boses. "You almost... l-love her?"

Hindi ko maintindihan. What does he mean by almost? Muntik niya nang minahal si Shannen? Bakit hindi natuloy? Bakit hindi nauwi sa oo? The mere fact that he almost loves her only means that he already let her enter his heart, right?

He pursed his lips, his jaw clenched tight.

"I'm sorry."

"No," another wave of tears fell from my eyes. "Stop saying sorry, Terrence. Ipaliwanag mo sa akin kung bakit... siya na ngayon-"

"Hindi kita pinalitan."

Natahimik ako, pinipilit intindihin ang ibig sabihin ng mga katagang 'yon. Pakiramdam ko, nagiging bobo ako dahil sa mga salitang binibitawan niya. Ang simple lang naman intindihin kung tutuusin pero nagmimistulan akong mangmang dahil roon.

"Hindi ko maintindihan, Terrence. Sinundan mo ako sa ibang bansa para iuwi dito. Sinabi mong mahal mo pa rin ako at hindi 'yon nagbago-"

"Mahal pa rin kita at hindi pa rin 'yon nagbabago..." aniya na nagbigay kirot sa puso ko. "I'm sorry if this sounds confusing to you, Priscilla."

Lumunok ako, sinubukan alisin ang bikig sa aking lalamunan.

"Bakit hindi mo na lang kaagad sinabi, Terrence? Bakit pinabalik mo pa ako dito kung ganito lang rin pala ang kahihinatnan natin?" tanong ko, halos hindi na magawang maintindahan ang mismong sarili dahil sa pagsabay ng hagulgol. "Hindi ko maunawaan!"

Muling nag-iwas ng tingin si Terrence sa akin. He dropped his head down and massaged the bridge of his nose as if he's already finding this conversation hard to do.

Nagmulat siya ng mga mata at nag-angat ng tingin sa akin. This time, his eyes were laced with intense pain.

"There were times that I used to ask myself if you truly love me, Priscilla. You always made me feel that I ain't worth of you. That I don't deserve your love... or a future with you," mahinahon ang boses na aniya, ang mga mata ay masiyadong malamlam na tila napapagod na. "Maraming beses akong napagod at naisipan nang sukuan ka. You kept on pushing me away. You wanted me to follow what you thought is right and threw my decisions on the trash as if it never matters to you. Ni minsan, hindi mo ipinaramdam sa akin na gusto mong bumuo ng hinaharap kasama ako. Ako palagi ang nagpupumilit para sa atin. Ganoon ako kapursigido para sa ating dalawa. Ganoon kita kamahal..."

Monasterio Series 8: Nights in Casa Vallejo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon