Chapter 38

11K 416 34
                                    

You may message Warranj Suarez Monasterio on Facebook to avail a copy of Night In Casa Vallejo book .

Chapter 38

My chemotherapies continued. Sa tuwing nahihirapan ako at gusto ng sumuko dahil sa mga epekto nito ay palagi ko lang binabalikan ang masasayang ala-ala namin ni Terrence at ng mga bata.

Mahirap magpakatatag sa ganitong klase ng laban lalo na at malayo sila. Pero ito ang pinili ko. Ginusto ko ang lumayo sa kanila dahil ayaw kong dalhin pa nila ako bilang problema.

Bata pa lang ako, pinaniniwalaan ko nang sa tuwing magkakaproblema ako, kakayanin ko nang mag-isa at hindi na mang-aabala pa ng iba. I always believe that God will never give you trials and challenges if He knew that you won't be able to handle it.

Kaya kahit mahirap, lalaban ako.

"Good morning!"

Mula sa pagbabasa ng libro ay napalingon ako sa main door nang marinig ang boses na 'yon. A smile crept on my lips when I saw who entered it.

"Hunter."

Ngumisi siya. Sa kaliwang kamay niya ay naroon ang isang paper bag na nasisiguro kong almusal na naman para sa akin. Sa tuwing bibisita siya ay palagi niya akong dinadalhan noon kaya naman hindi na rin ako nag-aabala na magpaluto pa.

Lumapit siya sa akin at humalik sa aking pisngi. His smoldering almond eyes scanned me.

"You look blooming today."

Natawa ako. "How do I look beautiful to you? Wala na nga akong buhok."

Sumimangot siya. "Who says a bald woman can't be beautiful? Once your chemotherapies are done, I'm sure they will grow back. That's already a matter of time, Priscilla."

Hindi ako sumagot at pinanood lang siyang magtungo sa kusina. He's already at home in this house and knows where my things are placed.

I met him here in Florida a year ago. He's a businessman who owns designer watches . Kilala ang negosyo niya sa buong America at tagumpay na rin sa buhay. He's half Filipino and half American. Magaling magtagalog dahil sa Pinas rin lumaki.

Her sister was once a cancer patient. Nakasabayan ko ito sa hospital noon kung saan ko siya nakilala. Unfortunately, she didn't survive. It was a sad moment for me since her sister was the only companion I had before my path crossed with Ruth again.

"Here's a bowl of salad for you. Don't worry. I bought it from another restaurant. Hindi ka mauumay." imporma niya na ikinatawa ko.

Iniabot niya ito sa akin. Ngumuso ako.

"Hunter, I can walk and go to the dining table. You don't have to serve it to me."

"It's alright. Mapapagod ka pa. Where's Ruth by the way?"

Kinuha ko na rin ang salad bowl dahil hindi rin naman ako mananalo sa kaniya.

"Nasa bahay niya. I'm actually planning to go there today. Pero hindi ko alam kung magagawa kong makapagmaneho patungo sa kaniya."

Dinala ko sa bibig ang lettuce. Sa mga nakalipas na buwan, ganito lang ang puwede kong kainin at mga prutas. I can't eat meat and seafood.

Nakakasawa na kung tutuusin. Pero kailangan ko magtiis para sa paggaling ko. I can't be in this situation for the rest of my life.

"Well, I can be your driver. Got no work today." presinta ni Hunter.

Binigyan ko siya ng tingin na hindi naniniwala.

Monasterio Series 8: Nights in Casa Vallejo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon