Chapter 57

14.3K 490 33
                                    


Order my published books at WARRANJ SUAREZ MONASTERIO on Facebook.

Chapter 57

"Are you going somewhere else? Maybe we can have some light snacks?" pukaw muli ni Shannen sa pagkakatulala ko.

I know I should decline. Kung mag-uusap lang kami, paniguradong sasaktan ko lang rin ang sarili ko. I might hear something about her and Terrence. Dapat ay inihanda ko na ang sarili ko sa posibilidad na 'yon.

Nang magdesisyon pa lang ako na magpahinga na muna kami dahil naguguluhan siya, dapat ay ipinasok ko na sa isip ko na maaaring hindi ako piliin niya pagdating ng araw, at wala akong magagawa kung hindi ang tanggapin 'yon.

But a part of me still wanted to hear if my hunch was right. Na baka si Terrence ang ama ng dinadala niya. Ngayon pa lang na nabubuo 'yon sa isip ko ay para na akong tinatarakan ng punyal sa puso.

"Sige. I can have at least an hour." may tipid ang ngiting sabi ko.

She smiled at me. "Great. I know a restaurant near here. My treat!"

Tumango na lang ako bilang sagot. Wala naman akong galit sa kaniya sa kabila ng mga nangyari. Naging mabait siya sa mga anak ko noong wala ako. At kahit pa muntik na siyang mahalin ni Terrence, wala akong galit o sama ng loob para sa kaniya.

She didn't know about it. Tanging ang mga bata lang ang dahilan kung bakit siya lumalapit dito. Kung mayroon man siyang gusto kay Terrence, sa tingin ko ay gumawa na siya ng kahit anong hakbang para magkalapit sila ng higit pa sa pagkakaibigan.

Pero paano kung hinihintay niya lang pala ang matapos kami? At nang maghiwalay ay saka sila naging puwede sa isa't isa?

We did a convoy. Mas nauna siya dahil siya ang nakakaalam kung saan kami kakain. Sa gitna ng biyahe ay biglang nanglamig ang palad ko nang maisip kung sino ang maaaring kasama niya dito.

She's in a hospital so maybe she had a check up? Pero bakit ang layo? Ang alam ko ay taga Taguig siya. Hindi kaya galing siya sa isa sa mga bahay nina Tita Tate sa Forbes Park?

Maybe Terrence is with her?

Just the thought that he's with her made me feel anxious. Kung sakali man na magkasama sila... nasaan siya?

Kung ako ang tatanungin, hindi ko siya gustong makita sa ganitong pagkakataon. Silang dalawa na magkasama... at ako.

Sa isang pancake house ako dinala ni Shannen. Halos sabay kaming bumaba ng kotse. Nang magtama ang mga mata namin ay awtomatikong nag-unat ang mga labi niya para sa isang ngiti.

Upon walking close to her, I couldn't help but to admire how beautiful she is. She's even radiating under the sunlight, her complexion as white as dove.

Maputi rin naman ako, madalas pa nga kainggitan dahil pino at walang nakikitang kahit anong marka. I'm just amazed by how pretty she is. Almost near to perfection.

Kadalasan, madaling nami-misinterpret ang paghanga ng isang babae sa kapwa babae. Iisipin nilang naiingit o ayaw masapawan. Kung mayroon man akong ikaiinggit sa kaniya kung sakali, iyon ay ang nasa kaniya si Terrence.

"How's the kids? I missed them, mostly Alexene."

We sat on the left side of the cozy restaurant. Wala masiyadong tao kaya tahimik ang lugar.

"They are fine. Si Alexene lang ang makulit." sagot ko.

Tumango siya habang titig na titig sa akin. Ramdam kong may gusto siyang sabihin pero humahanap pa ng lakas ng loob.

Monasterio Series 8: Nights in Casa Vallejo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon