Chapter 50

11.6K 442 40
                                    

Order my published books at WARRANJ SUAREZ MONASTERIO on Facebook.

Chapter 50

I waited for the twins to be home. Nasa living room ako kasama si Terrence. Matapos ng naging pag-uusap namin kanina ay ramdam ko ang pagkakabuo ng harang sa pagitan naming dalawa.

I strongly felt the pain and anger he was holding and despite trying to hide it, those emotions were screaming loudly out of his soul.

Pakiramdam ko, pagod na pagod na siya sa akin at pilit na lang pinanghahawakan ang kung anong mayroon kami dahil sa mga bata. Dahil nasabi niya ng mahal niya pa rin ako.

What if he's just trying to make himself believe that he still loves me? Paano kung hindi naman na talaga at ikinukulong na lang niya ang sarili sa paniniwala na 'yon?

Huminga ako nang malalim habang tulala sa tanawin. My sight was filled with the magical view of the city lights from afar. They look like yellow and white bokeh glittering under the brightest of the moon.

Terrence was sitting on the couch across from me. I can feel his heavy stares penetrating my soul but I tried hard to just ignore it.

Sa tuwing magkakaroon kami ng pagkakataon na mag-usap, para bang nagagawa niyang mailabas lahat ng nararamdaman niya. At naiinis ako sa sarili ko dahil tila ba hindi ako handa sa mga bagay na 'yon.

The door bell rang. Napatingin ako roon at napatuwid mula sa pagkakaupo. Napatingin ako sa gawi ni Terence. He was already looking at me as if he didn't care if someone was outside.

"Baka ang mga bata na 'yon. Ako na ang magbubukas." sabi ko.

Huminga siya nang malalim at umiling.

"Stay here."

He stood up and walked towards the main door. Sinundan ko siya ng tingin. I noticed how stiff his body was. Para bang napapagod na sa lahat ng nangyari sa araw na ito at gusto nang magpahinga.

Nang buksan niya ang pintuan ay kaagad kong nakita si Alexene.

"Daddy!" she jumped with her hands raised up high.

Sa tabi niya ay naroon si Alexandre. Behind them was Clarisse standing while looking at me. Sinubukan kong ngumiti. Imbes na ngumiti pabalik ay nag-iwas siya ng mga mata ngunit hindi naman mukhang galit.

"Miss you, Dad!" Alexene waved another giggle.

"I miss you more, princess." ani Terrence at binuhat si Alexene sa mga bisig niya.

Ni hindi man lang dumaplis ang tingin niya sa akin na para bang hindi ako nakita.

Baka ganoon nga? Baka hindi nga ako napansin. I wanted to think that way so I won't feel that hurt.

Hinaplos ni Terrence ang buhok ni Alexandre na siyang pumasok na rin. He found my eyes  and stared at me for a little while.

Pero si Alexandre ay madali akong nakita. I tried to smile at him. Inaasahan ko nang hindi niya ako lalapitan at nakahanda na ako doon.

Kaya naman nang maglakad siya patungo sa gawi ko ay halos hindi ako makagalaw sa kinaroroonan ko.

Kinuha niya ang kamay ko at walang salitang nagmano. Umawang ang labi ko, ang tibok ng puso ay hindi makontrol sa bilis.

Maingat niyang binitawan ang kamay ko at diretso akong tiningnan sa mga mata.

"Good evening po." bati niya, ang ekpresyon ng mukha ay malamig at seryoso.

My eyes blinked. I wasn't ready for that. Hindi ko nagawang sumagot kaagad dahil literal na hindi ako makapaniwalang nilapitan niya ako at binati.

I swallowed and smiled at him. "Good evening too, Alexandre."

Monasterio Series 8: Nights in Casa Vallejo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon