Chapter 36

11.3K 387 18
                                    

You may message Warranj Suarez Monasterio on Facebook to avail a copy of Night In Casa Vallejo book .

--

Chapter 36

I was planning to pretend that I was already sleeping but I thought that it was the right time to talk to him. Lalo pa at siya naman ang naunang magbukas ng tema.

Siguro ay kaya lang rin siya nagkaroon ng lakas ng loob sabihin 'yon ay dahil nga iniisip niyang natutulog na ako. Hindi ako nagkamali ng pag-aakalang tungkol sa kasal ang problema naming dalawa.

Ako sa tingin niya ang iniisip niyang problema.

Huminga ako nang malalim at pumihit paharap sa kaniya. Kitang kita kung paano siya napalunok nang makitang mulat pa ako.

I stared into his dark irises carrying so many questions for me. Mga tanong na alam kong matagal niya nang itinatago sa akin. Mga emosyon pilit niyang kinikimkim.

"I already agreed to marry you, Terrence. I just want us to wait for the twins to be grown enough to witness that special day. Bakit ang hirap para sa'yo ang intindihin 'yon?"

Hindi siya kaagad sumagot. He was just staring at me as if he was trying to look the wrong part from those words. Para bang mayroon siyang hindi naiintindihan.

"You know what I noticed from you? You are basing everything from marriage. Na kapag pinakasalan kita, mahal kita. At kung hindi ako pumayag, ibig sabihin, hindi kita mahal. Masiyado kang alipin ng kasal, Terrence!" diretsong sabi ko.

Bumangon ako ng kama at umalis na mula doon. I know I was rude on that part. Nakakainis lang na palagi niya doong ibinabase ang lahat.

"May mali ba kung masiyado kitang mahal kaya kita gustong pakasalan? Ikaw, Priscilla? Anong rason at parang hirap na hirap ka ibigay sa'kin iyon?"

Napahinto ako sa astang paglabas ng kwarto nang sabihin 'yon ni Terrence. I remained standing on my feet, my breathing became rugged and hard to let out.

Nilingon ko siya. Nakaupo na siya sa kama at nakatingin sa gawi ko. Salubong ang mg kilay niya at halatang mabigat na rin ang paghinga.

"Ibinigay ko na nga, hindi ba? I already accepted the ring! We're already engaged! Saang banda ako nahihirapan doon? All I am asking you is to wait for our twins to grow a little more because I want them to be part of our wedding-"

"Then let's get married again-"

"It won't be as special as the first time, Terrence, and I'm not a fan of marrying a couple of times. Isang beses lang ay tama na."

Hindi ko na siya hinintay pang makasagot at lumabas na ng kwarto. Gusto ko man siyang intindihin sa nararamdaman niya, kung bakit siya nagagalit sa akin, hindi ko magawa dahil palaging sumisingit ang katwiran ko na masiyado 'yong mababaw para pag-awayan namin.

He wants to put a chain on my neck because he loves me? Okay. I get that. Ako mismo ay nakahandang igapos ang sarili ko sa kaniya. Pero hindi dahil hindi ako pumayag na gawin kaagad ang kasal ay hindi ko na siya mahal.

Lahat ng ebidensiya at patunay na mahal na mahal ko siya ay nakalatag na sa harapan niya. Pagpapakasal pa rin ba ang mangungunang basehan niya?

Sometimes, marriage isn't enough. It's the trust and love for each other that you need to build first as your foundation and everything else will follow.

It's funny that one of the reasons why I've fallen in love with him is because he has a deep understanding. Mukhang sa una lang pala.

O, sadyang mahirap lang akong intindihin para sa kaniya?

Monasterio Series 8: Nights in Casa Vallejo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon