Chapter 56

13.3K 440 44
                                    

Order a copy of NIGHTS IN CASA VALLEJO at WARRANJ SUAREZ MONASTERIO on Facebook.

Chapter 56

Narinig ko ang buntonghininga ni Mommy mula sa kabilang linya. From the screen of my laptop, I lifted my gaze and looked at her.

"Gusto ko sanang magkuwento sa'yo kaya lang ay ayaw mo naman makarinig ng kahit ano tungkol sa kaniya." aniya na ikinailing ko.

Ibinalik ko ang atensyon sa binabasa. Alam kong tungkol kay Terrence ang ikukwento niya. Kagaya ng mga nakalipas na buwan, sinusubukan niyang isingit ito pero hindi ko lang siya pinagbibigyan.

Hindi sa ayaw kong makaalam ng kung anong balita tungkol sa kaniya. Not that I'm still bitter with our past or how we ended up. Marahil ay hindi pa lang ako handa sa maaaring marinig ko mula sa kaniya.

What if he's now in a relationship with someone else? Paano kung... naisip niyang si Shannen na nga ang mahal niya? What if within the year that we're away from each other, he realized that he was really done with me?

Then maybe I have to accept the fact that the two of us aren't meant for each other? Baka sadyang napagod na siya sa akin noon at natagpuan kay Shannen ang klase ng pagmamahal na gusto niya. Klase ng pagmamahal na hindi ko magawang ibigay.

"Huwag na, Mommy. Hayaan mo na po akong walang alam tungkol sa kaniya. Mas gusto ko 'yon. Wala akong kailangan isipin. I just want to focus on the kids." sabi ko habang nagbabasa ng isang proposal.

Kahit pa wala na rin akong maintindihan sa binabasa ko.

Narinig ko ang malalim niyang buntonghininga.

"Hindi ka naman na bitter, dowter, ano? Anyway, siguro kung makikita ka ulit ni Terrence, matutuwa 'yon dahil nagbalik na ang dating Priscilla. I mean knowing him, he just wants the best for you."

Natulala ako sa screen. Kung puwede ko lang sana patayin na ang Facetime para hindi na makita pa ni Mommy ang reaksyon ko sa mga sandaling ito, ginawa ko na.

Lalo pa at hindi ko nakakalimutan ang naging text na 'yon ni Terrence kay Alexene. That message... even if I didn't want to... gave me hope.

Pero ang sabi nga nila, masamang umasa dahil kapag hindi nangyari ang gusto mo, triple ang sakit.

Natapos ang pag-uusap namin ni Mommy. Pagdating ng tanghali ay kinailangan kong umalis ng bahay para bumisita sa doktor. I'm still with my regular check up.

Kahit pa sinabi na ng doktor nung nakaraang bisita ko na cancer free na ako at wala nang nakitang active cells sa chemotherapy ko noon ay hindi pa rin ako nagpabaya. I made sure I am living a healthy lifestyle. Hindi lang para sa akin... kung hindi para na rin sa mga bata.

They are the main reason why I want to live longer. Gusto ko pa silang makasama hanggang sa lumaki sila. At kung pagbibigyan ng pagkakataon, makita at makasama siyang muli.

"Maganda ang pangangatawan mo ngayon kumpara noong mga nakaraang buwan. Just continue your vitamins, exercise regularly and surround yourself with positivities..."

Ngumiti ako sa lalaking doktor sa harapan ko. Simula nang manirahan kami sa Makati ay siya na ang tumingin sa akin. Matanda na rin siya at mabait. Maging ang asawa niya na minsang pumapasyal sa hospital ay nakilala at nakasundo ko na rin.

"Thank you, Doc. I'm really grateful that I survived from that condition. Akala ko talaga ay hindi na ako gagaling pa."

Huminga siya nang malalim at pinagsalikop ang mga palad sa ibabaw ng desk niya. He smiled a bit and looked into my eyes.

Monasterio Series 8: Nights in Casa Vallejo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon