Chapter 1 ~ Asoʼt Pusa

141 4 0
                                    

A/N: This story mainly focuses on characterization so expect foul and vulgar words from characters since I want them (especially the main leads) to be more relatable and somewhat realistic teenagers. Thus, if youʼre not immune sa mga mura and such, this story is not for you.

On a side note, I hope you enjoy the story! Feedback is very much appreciated! 💕

On a side note, I hope you enjoy the story! Feedback is very much appreciated! 💕

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"Oh my God! Nandito na siya!"

"Kinikilig ako! Enebe!"

"Shems! Ang pogi niya talaga!"

Wala akong ibang nagawa kundi mapangiti na lamang habang pinapakinggan ang mga babaeng nasa hallway ng school na dinadaanan ko. See? Dumaan lang ako, halos mangisay na silang lahat sa kilig.

Patuloy lang sa pagbubulungan ang mga babaeng kilig na kilig sa presensya ko kung kayaʼt pikit-mata habang nakangiting nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad. Nang malagpasan sila, tumigil ako at lumingon sa kanilang lahat sabay tanggal ng suot kong shades.

Parang musika sa tenga ko ang tilian ng mga babae nang makaharap ako sa kanila. Hindi ko mapigilang mapangisi. Hayst! Iba ka talaga, Remi! Ang pogi mo!

Sa isang iglap, dali-daling nagsilapitan ang mga babae sa 'kin kung kayaʼt iwinagayway ko ang mga kamay ko.

"Kalma lang kayo, girls! Alam ko namang hindi niyo na mapigilan ang mga sarili niyong magpa-picture sa 'kin pero kailangan niyo ng matinding pasensya—" Hindi na ako natapos sa sinasabi ko nang bigla na lang nila akong nilagpasan. Ang ilan namaʼy pinagtutulak pa ako dahilan para matumba ako sa sahig.

Nanlaki na lang ang mga mata ko dahil sa gulat. Ramdam ko pa ang mga paa na bumabaon sa likod ko na pagmamay-ari ng mga babaeng nilalampasan lang ako. Depota! Anoʼng nangyayari?!

Nang tuluyan nang matapos ang mukhang walang hanggan na stampede — kung saan ako ang kawawang naipit sa baba — laking gulat ko nang makitang may iba nang pinagkukumpulan ang mga babae.

Nagtaas ako ng tingin para makita kung sino ang pinagkakaguluhan ng mga chix na halos paglawayan na ako kani-kanina lang. Sinong kupal ang umagaw sa spotlight ko?!

"Girls, girls! Hinay-hinay lang kayo. Iisang pogi lang ako habang marami kayong mga desperada kayo."

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang pamilyar na boses na 'yon. Potangina! Bakit sa lahat ng nilalang na ginawa ng demonyo, siya pa ang pinagkakaguluhan ng mga babaeng ito?!

Dahan-dahan, nahawi ang nagkumpulang mga babae dahilan para tuluyan ko nang makita ang lalaking labis kong isinusumpa.

Si Jago... o mas kilala bilang Jago the Gago.

Putangina mong depota ka!

"Tara sa langit, Remibabes... Sa piling kong kasing sarap ng langit," nakangisi niyang sabi sa 'kin at inilahad ang kamay niya.

This Written Love StoryWhere stories live. Discover now