Chapter 15 ~ Risks of falling in love

99 5 0
                                    

REMI

Ups! Ten obraz nie jest zgodny z naszymi wytycznymi. Aby kontynuować, spróbuj go usunąć lub użyć innego.

REMI

LUNCH na kung kayaʼt dumiretso kami ni Penny sa cafeteria. Nasa klase pa si Cora habang si Clifford at ang maderpakening shit na si Jago naman, nagpatuloy sa pagti-traning.

"Are you okay now? Umubra ba 'yong painkillers na binili ni Jago?" tanong ni Penny kung kayaʼt tumango lang ako at kumagat sa binili kong burger.

"Oh my Gucci ka, Rems! Bakit ba sa tuwing may dalaw ka, para kang high? Kung ano-anoʼng pinagsasasabi mo!" nakangiwi niyang sambit dahilan para mag-make face na lang ako.

"Nyeyeyeyeye! Ganito kasi dalawin ang mga poging tulad ko." Humalukipkip ako sabay tingin sa malayo at tumango-tango. Iʼm so kewl!

"Is that so?" Napakurap-kurap siya. "Sa tingin mo, ganʼyan din kaya dalawin si Mason?"

Agad naman akong nasamid sa sarili kong laway. Natawa naman si Penny habang halos mamatay na ako dahil sa paulit-ulit kong pag-ubo. Leche 'tong Penelopotang 'to! Mamamatay ako nang wala sa oras, eh.

"By the way, I have a question," sabi niya nang tumigil na siya sa kakatawa. Buti naman at baka maihambalos ko pa siya sa sahig nang mala-Incredible Hulk.

Ininom ko ang tubig na binili niya bago siya pjnanlisikan ng mga mata. "Kung tungkol na naman 'yan kay Jago, iisipin ko nang ikaw ang may gusto doʼn."

Inirapan niya naman ako. "Donʼt worry, kay Bebe Mason lang ako. Sa 'yo na 'yang unggoy mo."

Tinaasan ko naman siya ng hinpapakyu na ikinatawa niya na naman.

"But seriously... This is about Jago."

Gusto ko sanang umirap pero baka ako ang hambalusin ng depotang ito. Hindi ko alam kung mga sirang plaka ba sila pero kasi naman, tanong sila nang tanong kung may chance ba kami ni Jago at kung ano-ano pang kaputahan. Kung pwede ko lang talagang sabihin sa kanila ang totoo, matagal ko nang ginawa para—

"Dati pa ba kayong magkakilala ni Jago? I mean, way before we all became friends."

Muntikan na akong masamid ulit sa sarili kong laway. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Agad akong napalingon kay Penny at nakita siyang seryosong nakatingin sa 'kin.

"B-Bakit mo naman nasabi 'yan?" Sinubukan kong buoin ang boses ko pero para akong tanga na nautal pa.

Nagkibit-balikat lang siya. "Well, it seems like you two know each other even before then. I mean, when we became friends, bigla na lang lumipat si Jago and then, you guys just... I donʼt know. Clicked? I just had the impression na dati na kayong magkakilala since both of you seemed comfortable roasting each other in a daily basis, and that was since three years ago. Maybe you guys are classmates or childhood friends. What is it?"

Pasimple naman akong napalunok. Depotang Penelopota 'to! May alam ba siya?!

Akmang magsasalita na sana ako nang bigla kong namataan si Cora na pumasok sa loob ng cafeteria. Agad ko namang sinenyasan si Penny. Para naman akong nabunutan ng malaking tinik nang bumaling na ang atensyon niya kay Cora na sinalubong namin. Mukha kaming mga tanga na nagyakapan sa gitna ng maraming mga estudyante.

This Written Love StoryOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz