Chapter 12 ~ The wall between us

95 4 0
                                    

DORY

Йой! Нажаль, це зображення не відповідає нашим правилам. Щоб продовжити публікацію, будь ласка, видаліть його або завантажте інше.

DORY

PAGKATAPOS makipag-usap kay Jago patungkol sa totoong nangyari, hindi ko mapigilan na sisihin ang sarili ko. Sinaktan ko si Jago. Sinaktan ko ang best friend ko. Sinaktan ko ang lalaking mahal ko.

Ang sakit na lagi na lang akong nagkakamali. Ako na lang lagi ang gumagawa ng gulo. Ako na lang ang laging nagiging dahilan kung bakit kami nag-aaway. Ako na lang lagi ang may kasalanan.

Pero lahat, kaya kong tiisin. Kaya kong lunukin ang pride ko. Kaya kong maghintay. Kaya ko siyang suyuin araw-araw.

'Wag na 'wag lang siyang mawawala sa 'kin.

Lumipas ang mga araw at nag-uusap na ulit kami ni Jago. Pinapansin niya na rin ako, pero hindi na katulad ng dati.

Hindi na tulad ng dating kulitan...

Hindi na tulad ng dating harutan...

Hindi na tulad ng dating samahan...

Wala na — unti-unti na siyang nawawala sa 'kin.

Ni hindi niya na nga ako masamahan sa pag-uwi, eh. Habang dati, araw-araw kaming magkasamang umuwi. Hindi niya na rin ako kinukulit pa.

Sa tuwing naiisip ko kung bakit kami humantong sa ganito, lagi kong sinisisi ang sarili ko.

Ang tanga ko kasi. Masyado akong nagpapadala sa nararamdaman ko. Hindi ko ginagamit ang isip ko. Tangina naman, Dory! Ang tanga-tanga mo!

"Baliw, okay lang 'yan. Ganʼyan talaga. Baka nagpapalamig lang talaga 'yon. 'Wag mo muna masyadong isipin," pagkokomporta sa 'kin ni Mary nang mag-open up ako sa kaniya patungkol sa nangyari.

Nasapo ko na lang ang noo ko at tuluyan nang naiyak. Bwisit! Pakiramdam ko, ang hina-hina ko. Iyak lang ako nang iyak.

"Paʼno kung ayaw niya na akong maging kaibigan? Paʼno na kung permanente na pala 'to? Paʼno kung—" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang mapahagulgol na lang ako. Ang bigat ng dibdib ko. Kanina pa kumikirot ang puso ko. Gusto kong tumigil sa pag-iyak pero patuloy lang sa pag-agos ang luha ko.

Hinawakan ni Mary ang magkabilang pisngi ko at pinunasan ang mga luha ko. Hinigit niya ang ulo ko para magtama ang mga mata namin. Nang magtama ang mga mata namin, nakita kong seryoso ang mga mata niyang nakatingin sa 'kin.

"Tapatin mo nga 'ko, Dory..." seryoso niyang sabi dahilan para bigla akong kabahan. Minsan ko lang siya makitang ganito kaseryoso.

"May gusto ka ba kay Jago? 'Wag ka nang magsinungaling. Sabihin mo kung ano 'yong totoo."

Napalunok ako at natulala. Makalipas ang ilang sandali, huminga ako nang malalim.

"Oo... Oo, may gusto ako sa kaniya." Hindi ko na napigilan ang hikbi ko. "Mahal ko siya..."

This Written Love StoryWhere stories live. Discover now