Chapter 8 ~ Trapped

104 4 0
                                    

♪ pwede ba - lola amour ♪

♪ pwede ba - lola amour ♪

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

REMI

BIGLANG tumunog ang bell, senyas na tapos na ang kahindik-hindik na isang oras ng klase namin. 'Di ko alam kung matatawa ako o ano dahil mas mabilis pa sa pagkabagsak ng ekonomiya ng bansa natin ang pag-alis ng teacher namin. Depota! Mas nauna pang umalis sa 'ming mga estudyante, eh!

"Tanginang research 'yan!" sigaw ko at tumayo sa kinauupuan ko para mag-stretching. Natawa naman ang mga kaklase kong papaalis ng kwarto.

"Layas, mga hampaslupa, at akoʼy maglilinis pa!" Nagsimula na akong mag-ayos ng mga upuan. Sa apat na taon ko sa school na 'to, ito lang talaga ang ambag ko sa tuwing cleaners ako. So kewl.

Abala ako sa pag-aayos ng upuan nang biglang magpaalam sa 'kin ang isa naming kaklase na cleaners din. May emergency daw sa kanila. Aangalan ko pa sana kaso binulungan ako ng guardian angel ko. Mainit-init na raw ang trono ko sa impyerno kaya magsimula na raw akong magpakabait.

Pero kung kailan naman ako nagpakabait, saka naman umiral ang kademonyohan ng mga kasama ko. Sa isang iglap, sunod-sunod na nagpaalam na ang mga kaklase kong cleaners din, lahat ay may sariling agenda. Hindi naman ako maka-hindi sa kanila dahil mukha namang legit 'yong mga dahilan nila. Grabe! Inisang bagsak ni Lord 'yong pang-redemption arc ko.

Wala na akong ibang nagawa pa kundi magpatuloy na lang sa paglilinis kahit ako na lang ang mag-isa sa classroom. Karma ko na yata 'to dahil sa apat na taon pag-aayos lang ng upuan ang ambag ko.

Habang nagwawalis, bigla kong narinig ang pag-uga ng upuan. Kung nasa horror movie lang ako, siguradong minura ko na rin ang sarili ko dahil sa 'di malamang dahilan ay lumingon ako. Pero buti na lang din dahil wala ako sa ganoʼn dahil para akong nabunutan ng malaking tinik nang makitang si Jago lang pala ito—

Teka... Putangina?! Ano?! Bakit nandito 'tong gagong 'to?!

"Cleaners ka ba?!" Hindi ko alam kung dahil ba gulat kung kayaʼt kusang nagsalita ang bibig ko. Depota! Iniiwasan ko nga siya tapos ganito. Hayst, putangina. Dino-dogshow na lang yata ako ni Lord, eh!

Kumurap-kurap naman si Jago at lumingon-lingon pa ang kupal sa paligid namin. "Ako ba ang kausap mo?" nagtataka niyang tanong sabay turo sa sarili niya.

Napangiwi naman ako. "Assuming mo naman, tanga. 'Yong katabi mong matandang babae ang kausap ko."

"Tangina mo! Walang takutan!" Bigla siyang tumakbo patungo sa direksyon ko. Tanginang 'to. Lakas manggago, urong betlog naman.

"Ano ba kasing ginagawa mo dito?!" pasigaw kong tanong bago magpatuloy sa pagwawalis. Nakatayo naman siya sa isang gilid habang pinapanood ako.

"Iniwanan ka na kasi ng mga kasama mo. Kawawa ka naman kaya heto, tutulungan kita."

This Written Love StoryWhere stories live. Discover now