Chapter 13 ~ Say it

96 4 0
                                    

♪ simula pa nung una - patch quiwa ♪

♪ simula pa nung una - patch quiwa ♪

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

DORY

NAGPATULOY ang mga araw na katulad ng nakagawian — ako na tulala lang at laging nakatingin sa labas, habang si Jago naman ay medyo matamlay at hindi pa rin ako pinapansin.

God knows how much I want to talk to him. Gustong-gusto ko siyang kausapin at kulitin. I want to bring the old us back. Gusto kong bumalik 'yong dating kami. Kahit alam kong mahirap, gusto ko pa rin.

"Hoy, panget! Tumawag sa 'kin si Tita kanina. May pinadala raw si Mama na balikbayan box. May mga chocolate daw!" bungad ni Moose nang pumasok ako sa loob ng classroom nila.

Second year high school na ako habang first year naman siya kung kayaʼt pareho kaming dalawa ng department. Nasa second floor ang classroom ko habang nandito naman siya sa first floor.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit ako napadpad dito sa room nila. Wala kasi akong magawa sa room namin at saka wala namang teacher kaya dumiretso ako dito. Buti na lang talaga at vacant din nila.

"Ooh lala! Nandito na pala ang future asawa ko! Hi, babe!"

Napairap na lang ako nang marinig ko ang boses ni Orange. Lumingon ako at nakita siyang patalon-talon pa habang naglalakad papunta sa 'min ni Moose.

"Masamang nilalang!" Dinuro ko siya dahilan para mapatigil siya. Napahawak pa siya sa dibdib niya na para bang nagda-drama.

"Gan'yan na ba ang tingin mo sa 'kin, Dory? Ang sakit... Napakasakit!" pagda-drama niya at nag-wall acting pa dahilan para matawa na lang ako.

"Tigilan mo na nga 'yan! 'Di bagay sa 'yo. Mukha ka lang kulangot na dumikit sa pader!" reklamo ni Nilo, ang isa pang kaibigan nila ni Moose.

Sumimangot naman si Orange at tumabi sa 'kin. Nasa lapag kaming apat at nanonood ng movie. Dahil vacant nila, naisipan ng klase nila na manood ng movie. At dahil astig ako, pumunta ako dito at nakinood. Swaeg!

Naglabas ng chichirya si Moose dahilan para agad niyong mapukaw ang atensyon ko. Target locked!

"Musiko, penge!" sigaw ko dahilan para mapatigil ang karamihan sa ginagawa nila.

Biglang nagtawanan sina Nilo at Orange kung kayaʼt nakitawa na lang din ako. Oops! Nadulas!

"Musiko pa nga!" pang-aasar ni Nilo.

"Kupal na Musiko na 'yan! Anoʼng pangalan ng kapatid mo? Mutuhod? Mubalikat? Muulo?" kantyaw naman ni Orange dahilan para pareho kaming mapangiwi ni Moose. Jokerist amputa.

"Anoʼng tinatawa-tawa mo dʼyan, Orlando?" ganti ni Moose dahilan para matigil si Orange sa pagtawa. Labasan na ng baho! Gusto ko 'to!

Mas lalo kaming nagtawanan nina Nilo at Moose nang ngumuso si Orange. Ang bantot naman ng Orlando.

This Written Love StoryWhere stories live. Discover now