Chapter 11 ~ Whatʼs Wrong?

93 4 0
                                    

DORY

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

DORY

ISANG linggo ang lumipas — isang linggong hindi ako pinapansin ni Jago. Ilang beses ko nang sinusubukan na kausapin siya pero wala, nilalagpasan niya lang ako ng tingin na parang wala lang... wala lang ako sa kaniya.

Lagi rin akong tinatanong ng mga kaibigan namin kung ano ang nangyari. Bakit daw hindi na kami nagpapansinan? Bakit daw siya umiiwas sa akin? Bakit tuluyan niya na akong iniwan? Wala naman akong maisagot sa kanila kasi kahit ako mismo, hindi ko alam.

"Hoy, bitch! There are so many possibilities kung bakit iniiwasan ka niya." Inakbayan ako ni Mary Ann habang naglalakad kami sa loob ng convenience store.

"Tulad ng?" tanong ko. These past few days, naging matamlay na rin ako. Hindi ko kayang itago ang lungkot na nararamdaman ko. Hayop ka talaga, Jago.

Nagtaas ng isang daliri si Mary. "A, baka nagsawa na siya sa 'yo at ayaw niya nang maging magkaibigan," sabi niya dahilan para manlumo ako.

"B." Itinaas niya ang ikalawa niyang daliri. "Pwedeng may nasabi or nagawa kang mali na dahilan kung bakit siya galit at iniiwasan ka."

Napaisip naman ako. May nagawa nga ba akong mali sa kaniya? O kaya nasabi man lang?

"C—" Natigilan siya at napatingin sa akin, parang nagdadalawang-isip na sabihin sa 'kin ang iniisip niya.

"Ano?" Napakunot-noo ako.

Ngumiwi siya at tinanggal ang pagkakaakbay sa 'kin dahilan para mas lalo akong magtaka.

"Bakit? Ano ba 'yon? Sabihin mo na sa 'kin," naiinis kong sambit.

Napakagat siya ng labi. "Kapag ba sinabi ko, hindi ka aasa?"

Napalunok ako.

"O-Oo na! Pota! Sabihin mo na!"

Napahinga naman siya nang malalim at napasandal sa kinauupuan niya.

"C, he might be starting to fall in love with you," sagot niya dahilan para manlaki ang mga mata ko.

Hindi ko maiwasang mapaisip.

Paano kung 'yon nga talaga ang dahilan?

Paano kung 'yon ang totoong rason kung bakit ako iniiwasan ni Jago?

Paano kung nagkakagusto na rin sa akin ang best friend ko?

Hindi ako mahilig mag-assume, pero hindi ko rin maiwasang umasa. Hindi ko maiwasang umasa sa best friend ko.

Hindi ko maiwasang umasa na mahal din ako ng best friend ko.

~~~~~~

ILANG araw na ang lumipas at hindi pa rin ako pinapansin ni Jago. Gustong-gusto kong itago ang lungkot ko. Gusto kong ipakita kay Jago na kahit binabalewala niya ako, kaya kong pa ring maging masaya. Gusto kong patunayan sa kaniya na hindi ko siya kailangan para maging masaya.

This Written Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon