Chapter 40 ~ Last Dance

92 4 0
                                    

♪ huling sayaw - kamikazee ft. kyla ♪

 kyla ♪

Йой! Нажаль, це зображення не відповідає нашим правилам. Щоб продовжити публікацію, будь ласка, видаліть його або завантажте інше.

REMI

HINDI mawala-wala ang ngiti sa mga labi ko habang taimtim kong pinagmamasdan sina Cora at Penny na magkayakap. Kapwa silang umiiyak habang humihingi ng tawad sa isaʼt isa.

"Sabi sa 'yo, eh. Magkakabati rin ang mga 'yan." Naramdaman kong tumabi si Jago sa 'kin at inakbayan ako. Isinandal ko naman ang ulo ko sa balikat niya. Nakatingin pa rin ako sa dalawa kong kaibigan na nagkabati na rin sa wakas.

Ramdam ko ang mga luhang nagsisimula nang tumakas mula sa mga mata ko. Dali-dali ko namang ibinaon ang mukha ko sa balikat ni Jago.

"A-Akala ko... mawawala na sila sa 'kin..." bulong ko sa pagitan ng bawat hikbi ko.

Pinatahan naman ako ni Jago at marahang hinaplos ang likod ko. "Bati na sila, at dahil 'yon sa hindi lang sila magkaibigan — Pamilya sila, at ang pamilya, hindi ganoʼn kadaling masira," pabulong niyang sambit at tinapik-tapik ang ulo ko.

Takot na takot ako. Akala ko, hindi na kami babalik sa dati. Akala ko, tuluyan nang masisira ang pagkakaibigan na matagal ko nang pinapangalagaan. Buti na lang at hindi.

Dahil hindi lang kami magkakaibigan — pamilya kami.

~~~~~~

MABILIS na lumipas ang dalawang buwan. Nagulat na lang ako nang gumising ako ngayong araw at na-realize kong graduation na namin!

Napakarami naming pinagdaanan bago maabot ang sandali na 'to. Sobrang busy namin nitong mga nakaraan na buwan dahil graduating students nga kami at ito na rin ang huling taon namin sa Stanford High. Mahirap, pero masasabi ko namang worth it ang lahat ng ginawa namin para makarating sa araw na 'to.

"Doremi Fayso Flavier! With Honors!"

Gustuhin ko mang murahin ang emcee dahil sa pagbanggit sa buo kong pangalan, hindi ko nagawa dahil sa sobrang saya na nararamdaman ko. Nasa tabi ko ngayon sina Mama at Papa na todo ngiti rin.

Akmang maglalakad na sana silang dalawa nang dali-dali akong tumakbo patungo sa gitna ng stage. Para akong tanga pero sige lang. Sorry naman! Excited lang!

"Congrats! Akala ko talaga, 'di ka na makaka-graduate. Pero tingnan mo ngayon, with honors ka pa!" biro ni Principal Saitama habang inaabot sa 'kin ang diploma ko.

Nginitian ko naman siya. "Salamat po... sa hindi niyo pag-expel sa 'kin kahit napakarami kong kalokohan taon-taon," giit ko at pabirong nag-bow sa kaniya.

Napangiwi naman siya pero kahit ganoʼn, kita ko mga labi niyang nagbabadyang kumurba sa isang ngiti. "Salamat din sa Diyos at hindi Niya ako maagang kinuha nang dahil sa 'yo," giit niya na ikinatawa naman naming dalawa.

Nang masabitan niya na ako ng mga medal, tinabihan ako nina Mama at Papa. Todo ngiti kaming tatlo habang kinukuhanan ng litrato. Iginala ko naman ang paningin ko sa buong audience area at natanaw ko ang mga kaibigan ko na nagwawala na parang mga hayop. Pinagtitinginan na sila ng ibang tao pero wala silang pake kung kayaʼt natawa na lang ako.

This Written Love StoryWhere stories live. Discover now