Chapter 52 ~ The Agreement

87 4 0
                                    

♪ dating tayo - tj monterde ♪

♪ dating tayo - tj monterde ♪

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

REMI

PATULOY lang sa pagtulo ang mga luha ko kahit maka-ilang ulit ko na itong pinupunasan. Pilit kong pinipigilan ang labis na panginginig ng sistema ko dahil sa sobrang tensyon pero wala.

"Magiging okay lang ang lahat," rinig kong sabi ni Jago na nasa tabi ko. Kapwa kaming nasa labas ng apartment room ni Cora. Iniwan namin sa loob si Penny para makapag-usap silang dalawa.

Napakagat ako sa labi ko. Ito ang unang pagkakataon na kinausap niya ako pagkatapos ng gabing 'yon

Hindi ko alam kung anoʼng dapat kong sabihin. Wala na akong ibang magawa kundi magtakip ng mukha at doon ibuhos ang mga luha ko.

May leukemia si Cora. Leukemia, as in, cancer sa dugo. Cancer.

Tangina...

Bakit Mo ba kinukuha lahat ng taong mahal ko?

Huminga ako nang malalim at pinilit pakalmahin ang sarili. Hinilamos ko ang mukha ko gamit ang mga palad ko.

"Okay ka lang?" rinig kong tanong ni Jago na nasa tabi ko. Mula sa gilid ng mata ko, kita kong nakatingin siya sa 'kin.

"Wala namang tao ang umaamin na okay sila, 'di ba?" Mahina akong natawa habang nakatingin sa kawalan.

Sana isang masamang panaginip lang ang lahat ng 'to...

Natahimik naman ang kasama ko at napatingin na lang din sa kawalan tulad ko.

"Itigil na natin ang larong ito."

Muling nagbalik sa isip ko ang mga salita niya.

Akala ko, malakas na ako, pero bakit nasasaktan pa rin ako?

Akala ko, kaya ko na, pero bakit ang sakit pa rin?

Akala ko, wala na 'kong luhang natitira, meron pa pala.

"Laro lang ba ang lahat ng 'yon?" mahina kong sambit.

Ramdam kong napatingin si Jago sa 'kin. "Ano?"

"Laro lang ba 'yong lahat ng pinagsamahan natin. 'Yong mga sinabi mo... mga kilos mo... tayong dalawa... Lahat ba ng 'yon, laro-laro lang para sa 'yo?"

Narinig ko siyang mapait na tumawa. "Kung anoʼng sa tingin mo, 'yon ang sagot. Ako naman lagi ang masama, 'di ba?"

Napayuko ako para hindi niya makita ang luhang kumakawala mula sa mga mata ko.

"Anoʼng nararamdaman mo?" tanong ko.

"Hindi kita maintindihan—"

"Gusto kitang maintindihan."

Binalot kami ng katahimikan. Walang nagsasalita sa 'ming dalawa. Tanging ang mabibigat na paghinga lamang namin ang naririnig ko.

"Gusto kong intindihin kung ano baʼng nararamdaman mo." Sa wakas, nagawa ko na siyang tingnan at doon, nagtama ang mga mata namin. "Gusto kong maintindihan kung ano ba ang totoo mong nararamdaman."

This Written Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon