Chapter 41 ~ A fresh start

89 4 0
                                    

REMI

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

REMI

Makalipas ang isang taon...

ISANG taon na ang lumipas. Lahat kami ay kinakaharap ang bagong kabanata ng mga buhay namin. Masaya naman kaming lahat sa pagharap nito, maliban na lamang kay Cora.

"Are you sure na wala ka talagang alam kung bakit umalis si Mason?" paulit-ulit kong tanong kay Papa. Isang taon na ang nakalipas, bigla na lang nagpunta si Mason ng New York, ni hindi man lang nagpaalam o nilingon si Cora sa huling pagkakataon.

"Wala talaga, 'nak. Hindi ko alam kung anoʼng tumakbo sa isip noʼn at bigla na lang siyang nagpunta ng New York," ang laging sagot naman ni Papa sa 'kin. "Pero sigurado ako, may makatuwirang dahilan siguro siya kung bakit niya ginawa 'yon."

Lahat kami, natanga sa nangyari. Ni isa sa 'min, walang pinagsabihan si Mason na aalis siya. Kahit si Papa na itinuring niya na rin na para bang sarili niyang tatay, hindi niya sinabihan. Pagkatapos niyang makapagsampa ng kaso laban sa mga abusado niyang kamag-anak, bigla na lang siyang aalis at iiwang nakabitin sa ere ang kaibigan ko. Ayos siya, ah?

Gusto ko siyang sapakin. Gusto kong sipain ang betlog niya. Gusto ko siyang patikimin ng matinding machine gun kong mga mura — pero tulad nga ng sinabi ni Papa, siguradong may dahilan kung bakit niya ginawa ang ginawa niya. After all, hindi naman si Mason 'yong tipo na paglalaruan ang puso ng isang babae, lalo na ng babaeng itinuturing niyang nagligtas sa kaniya. Alam ko kung gaano nila kamahal ang isa't isa. Sigurado akong hindi niya sinaktan ang kaibigan ko para lang sa wala.

Pero kung anuman ang dahilan ni Mason, nasaktan pa rin si Cora. Iniwan siya ng lalaking mahal niya nang hindi man lang nagpapaalam. Sa totoo lang, hindi namin alam ang gagawin noong mga panahon na 'yon. Ang tanging nagawa lang namin ay manatili sa tabi ni Cora, lalong-lalo na si Clifford.

Dahil ayaw naman naming iwan si Cora, napagdesisyunan naming lahat na mag-apply sa Richmond University o RMU. Buti na lang at nakapasa kaming lahat kung kaya't doon na namin napagpasyahan mag-aral para hindi na kami magkahiwa-hiwalay pa, at para na rin masamahan namin si Cora noong mga panahon na kailangan niya kami.

Pero hindi ko inaasahan na sa paghakbang ko patungo sa hinaharap, bigla ako nitong ibabalik sa nakaraan.

"M-Mary Ann?!" Naaalala ko pa kung gaano ako kagulat noong makita ko sa dorm room na tutuluyan ko ang dati kong best friend sa Valle Sella na si Mary Ann. Tulad ko, gulat na gulat din siya nang makita ako. Hindi namin inaasahan na magiging magka-roommate kami.

At dahil ilang taon ko rin siyang iniwasan at hindi man lang kinausap, agad akong humingi ng tawad sa kaniya. Aaminin ko, sarili ko lang ang lagi kong iniisip dati. Hindi ko iniisip kung ano ang nararamdaman ng mga taong nakapaligid sa 'kin sa mga ginagawa kong desisyon.

Selfish ako, pero natuto at lumaki ako sa mga nagawa kong pagkakamali. And now, I could say that I'm a much better person than who I was before.

~~~~~~

This Written Love StoryWhere stories live. Discover now