Chapter 51 ~ Yet another heartbreak

88 4 0
                                    

REMI

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

REMI

MABIBILIS ang bawat hakbang ko habang tinatahak ang daan papunta sa address ng restaurant na sinend ni Penny sa 'kin. Mabibigat ang hininga ko at halos bumaon na ang mga kuko ko sa palad ko dahil sa sobrang diin ng pagkakakuyom ng kamao ko.

Nang makapasok ako sa loob ng restaurant, tumambad sa 'kin ang tatlong tao na nakaupo sa isang lamesa. Napatingin silang lahat sa 'kin nang itulak ko pabukas ang salaming pinto.

"Youʼre here!" bati ni Penny at lumapit sa 'kin. Umiwas naman ng tingin si Jago na nandito rin.

"I thought mali-late ka na naman," rinig kong sabi ni Penny habang hila-hila ako patungo sa bakanteng upuan.

Nanatili lang na nakatingin ang nanlilisik kong mga mata sa kasama nilang lalaki.

"Itʼs been a while, Remi..."

Mas lalong kumuyom ang kamao ko habang patuloy na nakatuon ang nanlilisik na mga mata kay Mason.

Halos apat na taon na ang lumipas pero 'sing-lamig pa rin ng yelo ang hatid ng presensya niya. Masasabi kong mas nag-mature ang mukha niya ngayon. Nakasuot na rin siya ng salamin na nagpapadagdag sa dating niya.

"Kaya nga, eh..." Ngumisi ako nang makaupo. "Itʼs been a while."

Walang pagdadalawang-isip kong inapakan ang paa niya sa ilalim ng lamesa. Lumawak ang ngisi sa labi ko, pero agad din itong naglaho nang makita na walang ni katiting na reaksyon ang mukha niya.

"Did you just step on my foot?" walang kaemo-emosyon niyang tanong.

"Depota! Hindi ka man lang nasaktan?!" pagwawala ko.

Umiling naman siya. "It does kind of hurt, but I refuse to let out a reaction. I donʼt want to scream in a room full of people."

Napahugot na lang ako ng isang malalim na hininga at humalukipkip. "Hindi ka na talaga nagbago," sabi ko habang umiling-iling.

Maraming taon na ang lumipas, pero siya pa rin si Mason na parang naglalakad na yelo kung umasta.

"Pero tangina mo pa rin." Tinaasan ko siya ng hinpapakyu.

"Rems!" saway naman sa 'kin ni Penny at kinurot pa ang tagiliran ko.

"Bakit?! Tangina naman talaga siya, eh! Bigla niya na lang iniwan si Cora sa ere." Muli akong tumingin nang masama kay Mason na walang kaemo-emosyon ang mukha. "Baʼt ka pa bumalik? Gumagaya ka ba sa tatay ko na magaling mang-hit and run? Pagkatapos ng ilang taon, bigla na lang babalik na parang—"

"Because I can finally be with Cora for the rest of my life." Hindi na ako natapos sa pagsasalita nang bigla siyang sumabat.

Kumunot ang noo ko. "Ano?"

"Iʼm not worthy of being with her back then. Now, Iʼm more than sure that I can be with her for the rest of my life. I want to be with her forever. I want to grow a family with her. I want to spend my entire existence with her." Sa sandaling 'yon, tuluyang nagkaroon ng bahid ng emosyon ang mukha niya.

This Written Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon