Chapter 36 ~ A second chance

90 4 0
                                    

REMI

Oops! Bu görüntü içerik kurallarımıza uymuyor. Yayımlamaya devam etmek için görüntüyü kaldırmayı ya da başka bir görüntü yüklemeyi deneyin.

REMI

MABILIS na lumipas ang mga araw. Pagkatapos ng nangyari noong Bagong Taon, akala koʼy hindi na itutuloy ng magaling kong tatay ang plano niyang pagbalik sa amin. Pero hindi pa ako nagkamali ng ganito sa buong buhay ko.

Akala ko, 'yon na ang huli naming pagkikita, pero laking gulat ko na lang nang araw-araw na siyang bumisita sa bahay namin. At ang pinaka-nakakagulat ay hinahayaan lang siya ni Mama. Oo, alam kong pinatawad na siya ni Mama, pero hindi talaga magawang mag-sink in sa 'kin ng kaisipang 'yon.

Lagi siyang bumibisita sa 'min, dinadalhan kami ng mga regalo at kung ano-ano. Isang beses nga, niregaluhan niya ako ng isang mamahaling denim jacket. Halos mapuno na nga ang kwarto ni Moose dahil sa mga binibigay niya, eh.

Pero hindi pa rin 'yon sapat.

Kung gusto niya talaga na mabuo ulit ang pamilya namin, dapat matutunan niya na hindi niya 'yon magagawa sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga luho. May iba pa siyang dapat na gawin bago namin siya tuluyang maituring na kabilang ulit sa pamilya namin.

Nang sinabi ko 'yon sa kaniya, mukha namang naintindihan niya ako dahil ngumiti lang siya at tumango sa 'kin.

"Rems, letʼs go!"

Bumalik ako sa realidad nang maramdaman kong tinapik ni Penny ang likod ko. Tumunog na pala ang bell kung kayaʼt nagsisi-alisan na ang mga kaklase namin.

"You okay, Rems?" tanong ni Penny na nakatayo sa likuran ko. "Lutang ka na naman. I mean, thatʼs already innate to you, but you seem more out of it these days."

"Ha?" Napakunot-noo ako.

"Sabi ko, lutang—"

"Hatdog!"

Inirapan niya lang ako na ikinatawa ko naman. Pagkatapos kong maipasok ang mga gamit ko sa loob ng bag, lumabas na kami ng classroom upang dumiretso sa cafeteria.

Hindi ko mapigilang mapansin na pinagtitingnan kami ng mga nadadaanan naming estudyante sa hallway — Mali! Kay Penny pala sila nakatingin. Bumabati ang ilan habang 'yong iba naman, mukhang maglulupasay na sa sahig sa tuwing binabati sila pabalik ni Penny.

Kung ang pagsalubong ng Bagong Taon ang pinaghahandaan namin noong nakaraan, ngayon naman ay ang nalalapit nang birthday ni Penny ang pinagpaplanuhan naming salubungin. At hindi lang ito simpleng birthday lang dahil debut niya ito. In short, magiging legal adult na ang nanay namin! Tiyak na magiging engrande ang debut niya considering na napakalaki ng impluwensya ng pamilya nila dito sa Richmond Fields.

"Youʼre going to wear a pink gown, ha?" paalala niya sa 'kin habang humahagikhik.

Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Alam mo namang wala akong issue sa mga kulay-kulay na 'yan, 'di ba? Pak the paking gender stereotypes! Pero punyeta, Penelopota, ayoko ngang mag-gown!" reklamo ko. Tawagin na akong maarte, pero sadyang hindi lang talaga ako sanay na magsuot ng mga ganoʼn kasi talagang nangangati ako. Huling suot ko pa ng ganoʼn eʼ noong JS Prom pa namin. Halos magmukha akong asong galis na kamot ng kamot sa sarili ko noʼn!

This Written Love StoryHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin