Epilogue (Part 1)

100 4 0
                                    


Hello! Thank you for reading this story. Thank you sa lahat ng votes and comments. Hopefully, you enjoyed reading this story as much as I do writing it. So, that's it. Enjoy the final page. I love you guys! 💛

The song above is the main reason why I came up with the plot of the story. Enjoy~




EPILOGUE THEME
Sa Ngalan Ng Pag-ibig - December Avenue

EPILOGUE THEMESa Ngalan Ng Pag-ibig - December Avenue

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.


"ISA pa nga." Marahas na inilapag ni Jago ang bote ng alak pagkatapos niyang maubos ang laman nito. Tumingin siya sa barmaid na abala sa pagpupunas ng mga baso.

"Sir, sigurado ka po ba dʼyan? Pang-anim na bote mo na 'yan," paalala ng nag-aalalang barmaid ngunit nanlisik lang ang mga mata ni Jago sa kaniya at padabog na inihampas uli ang bote sa lamesa.

"'Wag mo 'kong pakialaman! Ibigay mo na lang ang hinihingi ko!" galit na bulyaw ni Jago sa kawawang barmaid. Mabuti na lang at walang masyadong tao sa pinasukan niyang bar kundi magmumukha siyang gumagawa ngayon ng eksena.

"Karla, anoʼng nangyayari dito?" Dumating ang isang babaeng nagtatrabaho rin sa bar. Kunot-noo nitong tiningnan ang barmaid na mukhang natatakot na sa inaasta ng kanilang customer.

"Ayaw akong sundin ng empleyado niyo! Pagsabihan mo nga 'yan!" pasigaw na paliwanag ng lasing na lasing nang si Jago. Papungay-pungay na ang mga mata nito ngunit nagagawa pa rin nitong manatiling gising.

Dumako sa kaniya ang naniningkit na mga mata ng babae. Bahagya siyang napasipol nang makilala kung sino ang customer nilang wala na sa wisyo. "Iʼll take it from here. Umuwi ka na," sabi niya sa kasamahan niyang walang ibang nagawa kundi tumango dahil sa takot sa lasing nang customer.

"Forgive my lovely co-worker. 'Di lang talaga siya ganoʼn kagaling when it comes to dealing with drunk customers." Kumuha ng isang bote ng alak mula sa ref ang babaeng pumalit sa pwesto ng barmaid. "Is this the one that you want?" 

"Kahit ano, basta alak," sagot na lamang ni Jago. Tumango naman ang babae at kinuha ang baso niyaʼt hinuhuhan ito ng alak.

"Your face looks familiar. Iʼve been seeing you here every day," nakangiting sambit ng babae habang nilalagyan ng laman ang baso ni Jago. Nang matapos, iniabot niya ito sa kaniyang customer na agad namang nilagok ito.

"Araw-araw na akong pumupunta dito. Seven months ago, I think? Who cares?" Pagak na tumawa si Jago bago muling lagukin ang laman ng kaniyang baso. "Isa pa." 

Muling nilagyan ng babae ang baso niya. "Why are you here? Got nothing else to do?" tanong nito sabay hila ng upuan at umupo sa tapat niya.

"Wala. Ano pa baʼng ibang pwede kong gawin?" Agad-agad niyang tinungga ang laman ng kaniyang baso na para bang dito nakasalalay ang buhay niya.

"Ooh~ Looks like someone's having a bad day." Nagtaas-baba ang kilay ng babae habang pinagmamasdan ang kaharap niyang customer.

"Itʼs not a bad day; itʼs already a bad life." Tumawa si Jago dahil sa sarili niyang biro na hindi naman nakakatawa. Pero para sa kaniya, isang malaking katatawanan na lang ang buhay niya.

This Written Love StoryDonde viven las historias. Descúbrelo ahora