Chapter 32 ~ Keeping up with lost times

91 4 0
                                    

♪ walang iba - ezra band ♪

♪ walang iba - ezra band ♪

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

REMI

"AKALA ko po ba sa makalawa pa kayo uuwi?" kunot-noong tanong ko kay Mama sabay kagat sa fried chicken ko. Nasa dining room kami ngayon at kumakain ng hapunan.

"Syempre, joke-joke lang 'yon. Para naman ma-surprise ko kayo. Kakuntsaba ko ang tita niyo dito," nakangising sagot ni Mama dahilan para magkatinginan kaming dalawa ni Moose. Halatang-halata kung saan kami nagmana ng pagiging siraulo, ano?

"Sana sinabi niyo na lang, Ma, para nakapaghanda man lang kami, 'di ba? Muntik pang mapasabak sa bugbugan 'tong si Remi, eh," sabi naman ni Moose na katabi lang din ni Mama.

"Edi hindi na magiging surprise. Tsaka, tawagin mo ngang 'ateʼ ang ate mo, Musiko!" saway ni Mama sa kaniya kung kayaʼt pasimple akong natawa. Lagot ang Musiko!

"Pero, Sis, mukhang ikaw ang na-surprise," giit naman ni Tita Mommy sabay nguso kay Jago na nasa tabi ko lang. Uuwi na dapat siya kanina pero pinigilan siya ni Mama at sinabing sumabay sa 'min sa hapunan. Ang matsing naman, walang ibang nagawa kundi um-oo dahil nahihiyang tumanggi.

Tumango-tango naman si Mama. "Totoo! Akala ko pa, girlfriend ang ipapakilala mo sa 'kin pag-uwi ko. Nagulat ako na lalaki pala ang kaharutan mo ngayon," sabi niya at tinapik ang balikat ni Jago na mukhang tinamaan na naman ng espiritu ng kademonyohan dahil nagsisimula na siyang ngumisi.

"Ma!" pagmamaktol ko.

Humalakhak lang si Mama. "Bakit? 'Wag mo sabihing hindi mo boyfriend itong si..." Ibinaling niya ang tingin niya kay Jago.

"Jago! Jago po!" masiglang sagot naman ni Jago pangiti-ngiti pa. Depota! Ano na naman bang kalokohan ang naiisip nito?

"Ayon! Si Jago." Pumalakpak si Mama habang sobrang lawak ng ngiti. Halatang natatawa naman sina Moose at Tita Mommy, lalong-lalo na si Moose. Palibhasa, alam na alam niya ang kalandian naming dalawa ng matsing na 'yon.

"Ma! Hindi ba pwedeng kaibigan lang na bumisita?" pagdadahilan ko ngunit umiling lang siya habang may isang nakakalokang ngisi sa labi niya. Jusko! Pati nanay ko, pinagti-trip-an ako! Ano baʼng specific na kasalanan ang nagawa ko para matanggap ang ganitong kapalaran?!

Bumaling ang tingin ko kay Jago na todo ngisi rin. "Ano ba kasing ginagawa mo dito?! Bakit ka pumunta dito?!"

Nagpaliwanag naman na siya na nagkasalubong daw sila nila Mama dito sa bahay. Nahuli siya nina Mama at Tita Mommy na kinakatok ang gate namin. Dahil kilala naman siya ni Tita Mommy, pinapasok niya ito at sinama sa plano nilang dalawa na surpresahin kami ni Moose pag-uwi namin. Pero mukhang sila ang nasurpresa namin dahil muntik ko na silang mahampas ng upuan kung hindi lang nagbukas ang ilaw.

"Doremi!" saway sa 'kin ni Mama.

"Lagoooot!" nakangising pambubuyo naman ni Moose.

Napasimangot na lang ako. Naramdaman ko ang kamay ni Jago na kinukurot ang siko ko. Pasimple ko siyang sinamaan ng tingin pero ngumisi lang siya. Kainis!

This Written Love StoryWhere stories live. Discover now