Chapter 29 ~ The words she canʼt say

94 4 0
                                    

♪ titibo-tibo - moira dela torre ♪

♪ titibo-tibo - moira dela torre ♪

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

REMI

BUONG gabi akong hindi nakatulog dahil sa kakaisip kay Jago. Kung ano-anoʼng umiikot sa isip ko na tungkol sa kaniya, kasama na ang mga nangyari sa nakaraan.

Bakit niya naman ako nagustuhan? Alam kong kewl at super lupet ko, pero bakit ngayon pa? Bakit ngayon at hindi dati?

Nalilito pa kaya siya noon? Baka naman nagkagusto na talaga siya sa 'kin noʼn pero nalilito lang siya? Torpe, ganoʼn? Bakit?!

Depota! Ito ang ayaw ko, eh. Overthinking is a maderpaking bitch. Kainis!

"Oh, baʼt ganʼyan ang itsura mo? Hindi ka ba nakatulog kagabi?" tanong ni Tita Mommy sa 'kin nang pumasok ako sa kusina.

Nagtimpla ako ng kape at kumuha ng tinapay. Naghilamos pa ako dahil sigurado ako, mukhang dinaig ko pa ang nag-shabu dahil sa itsura ko ngayon.

"Nanood 'yan ng bold, Tita!" sigaw ni Moose na nasa lamesa at kumakain ng almusal. Agad naman siyang hinampas sa ulo ni Tita ng hawak niyang dyaryo.

"Musiko, kung ano-anoʼng pinagsasasabi mo! Isa pa at talagang puputulin ko na ang internet natin," banta ni Tita.

"HINDEEE!" sabay naman naming sigaw ni Moose.

Napailing na lang si Tita at nagpunta sa banyo para mag-ayos. Tinabihan ko naman si Moose sa lamesa.

"Baʼt ganʼyan itsura mo? I mean, natural ka nang panget, pero bakit mas lalo ka pang pumangit?" tanong niya habang ngumunguya ng cookie. Cute. Sarap sampalin tapos gawing punching bag na rin.

"I still look awesome so shut up, you 'lil shit," sagot ko na lamang at kumagat sa tinapay ko.

"Awesomely ugly," komento niya pa kung kayaʼt sinamaan ko siya ng tingin. Ayaw pang manahimik, eh. Kapag 'to, binugbog ko.

"At least, awesome pa rin! Ikaw, ugly lang," bwelta ko naman sabay sipsip sa kape kong mainit.

Babanat pa sana siya nang bigla na lamang tumunog ang phone niya. Nang tingnan niya ito, bigla na lang siyang umalis at iniwan ako.

"Bastos na depota," bulong ko nang tuluyan na akong maiwan na mag-isa sa kusina. Kausapin ko na lang ang sarili ko. Hey, betch! You so awesome and pogi! Ganoʼn!

Habang kumakain, biglang tumunog ang phone ko kung kayaʼt kinuha ko ito at binuksan. Bumilis ang tibok ng puso ko nang makitang si Jago pala ang nag-message sa 'kin.

Argh! Tama si Moose.

Ang rupok ko...


7:25 AM

jagonggoy:

jagonggoy:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
This Written Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon