Chapter 26 ~ Iʼll be there

94 4 0
                                    

♪ tayo na lang dalawa - mayonnaise ♪

"TANGA ka! Dapat kasi chineck mo muna 'yong laman! Depota talaga!"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"TANGA ka! Dapat kasi chineck mo muna 'yong laman! Depota talaga!"

Kanina pa kami nagtatalo ni Moose sa kadahilanang tanga siya. Oo, 'yon talaga ang dahilan. 'Di ako nagbibiro. Thy Musiko is stupido.

"Malay ko ba?! Magkamukha kasi!" depensa niya naman.

Kinuha ko ang lalagyan ng mantika at dishwashing liquid. "Mukha bang magkamukha 'to?!"

Inirapan niya lang ako. "Sino baʼng nag-utos sa 'kin na magluto? 'Di ba ikaw? Edi ikaw ang may kasalanan!"

"Ako? Depota ka! 'Wag mo 'kong sisihin sa katangahan mo!" Kinuha ko ang kawali na pinaglutuan niya at inabot ito sa kaniya.

Napaka-engot kasi ng depota. Inutusan ko kasi siya na magluto pero dahil sa sobrang kalutangan, imbes na mantika, sabon ang inilagay niya sa kawali na may nakasalang nang mga hotdog. Nagtaka pa ang tanga kung bakit bumubula 'yong niluluto niya. Depotang Musiko!

"Oh, itapon mo! Sa hindi makikita ni Tita Mommy, ha! Lagot ka talaga doʼn. Depota ka!" bulyaw ko.

Kinuha naman niya ang kawali at lumabas ng bahay para magpunta sa hindi ko alam kung saan, basta sa malayo para maitapon 'yong hotdog na sinabunan niya para hindi kami maitakwil ni Tita Mommy nang wala sa oras.

Napabuntong-hininga ako at itinago sa cabinet ang dishwashing liquid. Kumuha ako ng isa pang kawali at nagluto ulit nang makakain namin ni Moose. Nang matapos sa pagluluto, hinain ko sa lamesa ang pagkain.

Wala pa rin si Moose hanggang ngayon. Nasaan na kaya napunta ang depotang 'yon? Nasa trabaho si Tita Mommy ngayon kung kayaʼt kaming dalawa lang ang nandito sa bahay.

Dahil wala pa si Moose para sabayan ako sa pagkain, nagpunta na lang muna ako sa salas at binuksan ang TV. Habang nanonood, bigla na lamang tumunog ang phone ko kung kayaʼt kinuha ko ito mula sa bulsa ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ang pangalan ni Jago sa notification.

Shit...

Puso, tangina mo!

Umayos ako ng upo bago buksan ang phone ko. Bumungad naman sa 'kin ang message ni Jago.


2:27 PM

jagonggoy:

May laban kami bukas

Nood ka


Huminga muna ako nang malalim bago magtipa ng reply. Depotang puso 'to, ang lakas ng tibok!


You:

Araw-araw kitang nakikita nakikipaglaban kung kani-kanino

This Written Love StoryWhere stories live. Discover now