Chapter 39 ~ In between

87 4 0
                                    

REMI

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

REMI

TAIMTIM lamang akong nakatingin sa kaharap kong pinto. Maka-ilang ulit na akong humihinga nang malalim pero parang tambol pa rin ang dibdib ko sa paulit-ulit nitong pagkabog. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan ngayon na nasa harapan ako ng kwarto ni Penny.

Natagpuan na siya kahapon pagkatapos ng nanguari sa debut niya. Balita ko, inihatid daw siya ng driver niya pauwi pagkatapos nilang manggaling sa isang bar na malayo sa Richmond Fields. Ayon kay Jago na siyang kumukuha ng tsismis, lasing na lasing si Penny nang makauwi siya sa kanila. Pagkatapos noʼn, hindi na raw siya tulad ng dati.

Muli, huminga ako nang malalim. Ginamit ko ang lahat ng tapang na inipon ko para lang katukin ang pinto ng kwarto niya. Napuno ng tunog ng mga katok ko ang tahimik na pasilyong kinaroroonan ko.

Kinuwento sa 'kin ng mga katiwala nila dito sa mansyon ang lahat ng nangyari pagkatapos ng insidente. Wasak na wasak si Penny dahil sa nangyari. Palagi na raw siyang galit at hindi man lang lumalabas ng kwarto niya. Ibang-iba siya sa Penny na nakilala at minahal ko.

Naka-ilang katok na ako pero walang sumagot.

"Penny..." Muli akong kumatok ng ilan pang beses. "Si Remi 'to. Paki-bukas ng pinto. Please..."

Wala pa ring sumagot kung kayaʼt mariin na lang akong napapikit. Huminga muna ako nang malalim bago muling kumatok sa pinto.

"Penny, ano ba?! Lalaki lang 'yon! 'Wag mong hayaan na masaktan ka nang ganito dahil lang doʼn! Napakaraming lalaki sa mundo, hindi ka mauubusan! Penny naman! Buksan mo na 'to!"

Alam kong napaka-insentibo ng mga pinagsasasabi ko ngayon pero ito lang ang alam kong paraan para kausapin niya ako.

"SHUT UP!" At mukha namang gumana ito dahil umalingawngaw ang malakas niyang sigaw mula sa loob ng kwarto. Pagkatapos ng insidenteng 'yon ilang araw na ang nakakalipas, ngayon lang uli kaming dalawa makakapag-usap.

"Penny, buksan mo ang pinto. Papasukin mo 'ko! Kausapin mo 'ko!" Paulit-ulit kong kinalabog ang pinto. Kulang na lang, ibangga ko ang sarili ko dito para lang bumukas ito.

"Leave me alone! Just leave me all alone!" sigaw niya, bakas sa boses niya ang labis na galit at poot. Naririnig ko pang nababasag ang boses niya sa bawat sigaw niya.

"'Yon ba ang gusto mo? Ang maiwan kang mag-isa?" Napakagat ako sa labi ko pero hindi ko na talaga napigilan pa ang mga luha ko sa pagtulo.

Hindi naman sumagot si Penny. May pinto mang nakaharang ngayon sa pagitan naming dalawa, nagagawa ko pa ring marinig ang mga hagulgol niya.

"Penny... Hindi mo kailangang maging mag-isa. Alam kong nasasaktan ka kaya nandito ako ngayon. Kausapin mo 'ko. Para saʼn pa at naging magkaibigan tayo?" Napaluhod ako at isinandal ang sarili sa pintong humihiwalay sa 'ming dalawa. "Please come back..."

This Written Love StoryWhere stories live. Discover now