Epilogue (Part 2)

104 4 0
                                    

Hindi ko alam kung ilang ulit ko itong sasabihin pero maraming salamat sa inyong lahat! Salamat dahil nakaabot kayo sa puntong ito. I hope that you enjoyed Remi and Jagoʼs written love story. Happy readings~




EPILOGUE THEME
Sa Dulo Ng Walang Hanggan (Sa Ngalan Ng Pag-Ibig Piano Version) - December Avenue

PAGKATAPOS ng halos pitong buwan na walang ibang ginawa si Jago kundi lunurin ang sarili sa kaniyang kalungkutan, tuluyan niya nang napagdesisyunan na ayusin ang buhay niya

Ops! Esta imagem não segue nossas diretrizes de conteúdo. Para continuar a publicação, tente removê-la ou carregar outra.


PAGKATAPOS ng halos pitong buwan na walang ibang ginawa si Jago kundi lunurin ang sarili sa kaniyang kalungkutan, tuluyan niya nang napagdesisyunan na ayusin ang buhay niya. Tumigil na siya sa paghahanap ng pagmamahal at atensyon mula sa iba. Namulat ang mga mata niya sa realidad ng buhay, na pagdating sa huli, sarili mo lang ang maaasahan mong sasalba sa 'yo mula sa sarili mo. 

Ilang buwan na ang nakaraan, inalok siya ng kaniyang ina upang magtungo at samahan siya sa Italy na magtrabaho. May kakilala sila doon na makakapagbigay sa kaniya ng payak at disenteng trabaho. Pero dahil ayaw niyang umalis at iwan ang buhay niya sa Richmond Fields, tinanggihan niya ito. Ngunit nanatiling bukas ang alok na ito para sa kaniya, at ito na nga ang oras na tinanggap niya na ang pagkakataong ito upang makapagbagong-buhay.

Lahat at karapat-dapat sa pangalawang pagkakataon sa buhay, at ito ang kaniya. Ito ang kaniyang pagkakataon na itama ang mga pagkakamali niya. Hindi para sa iba, kundi para sa sarili niya. 

Lumipas ang mga araw at dumating na ang panahon para lumipad na siya papunta sa ibang bansa. Sa huling pagkakataon, lumingon siya sa kaniyang pamilya at mga kaibigan. 

Nakangiting nag-thumbs up sa kaniya si Clifford na sinabayan naman ng pagkaway ni Penny. Napatingin naman siya sa mga kapatid niya na nasa likuran ng kanilang tatay na naka-wheelchair. Nang dumako ang tingin niya sa bakanteng espasyong nasa tabi nila, hindi niya nakita ang taong kanina niya pang hinahanap.

Napabuntong-hininga na lang siya. Alam niya naman na imposibleng magpaalam sa kaniya ang taong 'yon dahil sa mga nangyari, pero may parte pa rin sa kaniya na umaasang makikita niya ito sa huling pagkakataon.

Wala na siyang ibang nagawa kundi magpaalam sa kaniyang pamiya at mga kaibigan. Tuluyan na siyang tumalikod habang bitbit ang mga bagahe niya at nagsimula nang maglakad palayo.

"Jago, wait!" 

Natigil siya sa paglalakad at muling napalingon nang marinig ang boses ni Penny. Naabutan niya itong tumatakbo papunta sa direksyon niya. Nang huminto ito sa harapan niya, inabot nito sa kaniya ang isang kulay dilaw sobre.

"She knows youʼre leaving today. She asked me if I could give that to you," giit ni Penny. 

Natulala na lang si Jago habang nakatingin sa hawak-hawak na sobre. Namuo ang mga luha sa kaniyang mga mata na sa paglipas ng ilang sandali, ay tuluyan nang tumulo.

'Naalala niya ako...ʼ Hindi niyang mapigilang maisip habang pinagmamasdan ang sobre na nanggaling mula sa taong inaabangan niyang makita sa huling pagkakataon.

This Written Love StoryOnde histórias criam vida. Descubra agora