Chapter 7 ~ Never again

99 4 0
                                    

REMI

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

REMI

KAPWA kaming lumabas ng guidance office ni Jago. Halos magkasalubong na ang noo ko dahil sa sobrang sama ng loob. Paʼno ba naman? Community service lang 'yong parusa noʼng lalaking manyak. Oo ngaʼt naparusahan siya pero hindi ito sapat para sa ginawa niya. Kulang pa nga 'yong nakuha niyang bugbog mula sa 'kin, eh!

"Tanginang 'yan! Napaka-unfair!" Hindi ko na napigilang ilabas ang inis ko.

Naramdaman ko naman na inakbayan ako ni Jago. "Kalma lang, Remibabes. Nasabihan naman siya na kapag napatawag ulit siya, mas malalang punishment ang ibibigay nila sa kaniya."

Maliban doon sa maderpaking shet na lalaking iyon, dumadagdag pa sa inis ko 'yong nagawa ko kanina. Sa sobrang tuwa ko kasi, nawala sa isip kong galit pa rin pala ako sa kay Jago. At dahil nga pinansin ko siya kanina, iisipin niyang okay na kami kahit ang totoo ay gustong-gusto ko na siyang i-kame hame wave.

"Kahit na!" Tinanggal ko ang braso niyang nakaakbay sa 'kin at marahas itong iwinakli. "Depota! Dapat doʼn, ini-expel, eh! Paano kung may biktimahin ulit 'yon? Hihintayin pa nilang may masaktan na naman bago gumawa ng aksyon. Mga depotanginang hayop!"

Rinig kong mahinang natawa si Jago. "Okay, okay. Kalma. Baka marinig ka pa nila sa loob." Dahan-dahan niya akong hinila palayo dahil nakatayo pa rin kaming dalawa sa harap ng guidance office.

"Edi marinig nila, tangina sila." Hindi ko mapigilang mapairap. "Kayong mga lalaki kasi, ang dali niyo lang makalusot sa mga kagaguhan ninyo. Pero kapag mga babae ang naaagrabyado, laging sa 'min ang balik ng sisi. Kesyo masyadong maikli ang damit o kung anumang kapakshetan para lang masabing tinutukso namin kayo. Depotang 'yan!"

Sumandal ako sa pader at humalukipkip. "Laging unfair kapag sa babae. Kami-kami lang din ang nakakaintindi sa isaʼt isa. Kaya mas masarap na mag-jowaan na lang ang mga babae kesa lumandi pa sa mga lalaki, eh."

Mula sa gilid ng mga mata ko, nakita kong napatingin si Jago sa 'kin na bahagya pang natawa. "Ikaw? Gusto mo bang jumowa ng babae?" pabiro niyang tanong.

Hindi ko alam, pero nakaramdam ako ng inis dahil sa tono ng boses niya. Wala naman kasing nakakatawa sa sinabi ko kaya bakit siya tatawa? Alam kong isa siyang maderpaking piece of shit pero hindi naman siya sigurong ganoʼng klase ng tao.

"Kung oo, ano naman ngayon?" Tuluyan na akong humarap sa kaniya at tiningnan siya nang diretso sa mga mata niya. "Bakit? Huhusgahan mo na naman ba ako?"

Unti-unting napawi ang ngiti niya dahil sa sinabi ko. Nagkaroon ng bahid ng emosyon sa mga mata niya pero hindi ko matukoy kung ano 'yon. Ilang sandali rin siyang nanahimik habang nakatitig kami sa mata ng isaʼt isa.

Akmang magsasalita na sana siya nang bigla na lang dumating si Clifford.

"Naku! Buti naabutan ko kayo! Narinig ko 'yong nangyari. Okay lang kayo?" hinihingal na tanong ni Clifford na para bang galing sa marathon. "Hala! Napabugbog ka pala, pre? Parang wala namang pinagbago mukha mo?"

Walang habas na pinindot ni Cliff ang pasa sa pisngi ni Jago gawa ng pagsuntok sa kaniya noʼng lalaki kanina. Napahiyaw naman si Jago sa sakit at masama ang tingin na lumingon kay Cliff. Hindi naman ako nag-aksaya ng oras at dali-dali akong naglakad palayo.

"Remibabes!"

"Hala? Utol! Saʼn ka pupunta?! Wala namang masama kung walang nagbago sa mukha ni Jago! Panget pa rin siya!"

"Tangina nito, 'di titigil."

Hindi ko na sila pinansin pa at binilisan na lang ang paglalakad. Makailang-ulit akong tinatawag ni Jago pero nagbingi-bingihan lang ako. Buti na lang din at hindi na siya sumunod pa sa 'kin, mukhang hindi na nakawala kay Clifford.

~~~~~~

KAKATAPOS ko lang magbuhos ng katawan kung kayaʼt dumiretso na ako ng kwarto. Naabutan kong tulog na si Moose sa baba ng double deck namin kung kayaʼt umakyat na lang ako sa taas. Sayang, kukulitin ko pa naman sana muna.

Nahiga na ako at tumingin sa kisame. Patay na ang ilaw kaya kitang-kita ang liwanag ng mga glow-in-the-dark stars na dinikit ko dito. Gusto ko sanang lumabas at tingnan ang mga bituin sa langit pero pagod na ang katawan ko. Hindi naman ako masyadong nakipagbugbugan kanina pero ewan ko ba, sadyang napapagod lang talaga ako ngayon.

Habang nakatingin sa kisame, hindi ko mapigilang maisip ang mga nangyari — lalo na sa nakaraan na sobrang tagal ko nang pilit na tinatakasan.

"Kahit gaano pa kahirap. Kahit gaano pa kasakit. Kahit gaano pa kalungkot. Hinding-hindi ako bibitaw."

Mariin akong pumikit at bumuntong-hininga para klaruhin ang isipan ko, pero talagang ayaw magpaawat ng mga pumapasok dito. Hindi ko na tuloy mapigilang mainis dahil kahit anong pilit kong makalimot, sadyang traydor 'tong mga alaala ko.

Imbes na magpadala sa mga iniisip ko, kinuha ko na lang ang phone ko at binuksan ito. Nanood ako ng kung ano-anong video sa social media para lang ma-distract ako mula sa mga tumatakbo sa isip ko. Kahit ano, pinatos ko, para lang hindi lang ako makulong uli sa mga alaala ng nakaraan.

Patapos na ang pinapanood ko kung kayaʼt naghanap na ako ng susunod na mapapanood. Pero nang makahanap na ako, bigla na lamang nag-notif ang message ni Jago. Namali ako ng pindot at dumiretso ako sa convo namin dahilan para halos ibalibag ko ang ulo ko sa dingding.


10:46 PM

jagonggoy (wag kausapin plz):

jagonggoy (wag kausapin plz):

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Napakagat ako sa labi ko, pilit nagpipigil ng tawa. Meme lang 'yan, Remi. Tandaan mo, galit ka. Galit ka! Masama ang loob at ugali mo!

Umalis ako sa convo namin at nagpatuloy sa panonood. Makaraan ang ilang saglit, sunod-sunod na nag-notif ang messages niya. Hindi ko na ito binasa o pinansin man lang. Pinatay ko na ang phone ko at inilagay ito sa tabi ko.

Muli akong tumingin sa kisame na tadtad ng glow-in-the-dark stars. Wala na akong ibang nagawa pa kundi bumuntong-hininga na lamang.

"Malakas ka na ngayon. Hindi ka na nila masasaktan," bulong ko sa sarili habang diretso ang tingin sa mga umiilaw na bituin.

"Hindi na ulit." 

" 

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
This Written Love StoryWhere stories live. Discover now