Chapter 18 ~ What love is

97 4 0
                                    

♪ gitara - parokya ni edgar ♪

♪ gitara - parokya ni edgar ♪

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

DORY

"PWEDE bang bumili na lang tayo ng iba? Purgang-purga na ako sa milktea, depota ka," reklamo ko kay Jago. Nag-pout naman siya at umiling-iling. Cute, pero pakyu pa rin siya.

Sinamaan ko na lang siya ng tingin at sumandal sa kinauupuan ko habang nakahalukipkip. Humagikhik naman siya at humigop mula sa binili niyang milktea.

"By the way, sino 'yong kaibigan ni Moose kanina? 'Yong mukhang tisoy. Bakit ang sama ng tingin sa 'kin?" bigla niyang tanong.

Napaisip naman ako. "Si Orange 'yon. Childhood friend ni Moose," sagot ko nang mapagtanto kung sino ang tinutukoy niya.

"Ah... Bakit ang sama ng tingin niya sa 'kin? Parang babalatan ako ng buhay." Muli siyang humigop sa milktea niya.

"Kilala ka kasi niya. Eh may gusto sa 'kin 'yon," sagot ko at nagkibit-balikat.

Napatigil siya sa paghigop kasabay ng pagkunot ng noo niya. Napakagat pa siya sa straw na nasa labi niya. Nagulat na lang ako nang bigla niya akong sinamaan ng tingin.

"Ah, ganoʼn ba? Bakit hindi ka na lang doʼn? Gwapo naman, may lahi pa. Habulin 'yon. Ganda ng genes, eh. Sige, doon ka na lang," walang kaemo-emosyon niyang sabi.

Kunot-noo ko naman siyang tiningnan. Pinagsasabi nito? Aaminin ko, gwapo naman talaga si Orange kahit may kumalas na turnilyo sa ulo. Pero kahit gaano pa siya kagwapo, hindi ko pa rin makita ang sarili kong magkakagusto sa kaniya.

Sa tingin ko, ganoon lang talaga kapag nagmamahal. You donʼt choose the people whom your heart will beat for. I just happens, unexpectedly. And in my case, I unexpectedly fell in love with my best friend.

"Tama ka naman... Gwapo nga si Orlando." Tumango-tango ako habang nakatingin sa labas.

Napansin ko namang napatingin siya sa 'kin kung kayaʼt napalingon ako sa kaniya. Walang kaemo-emosyon ang mukha niya habang nakaipit sa bibig niya ang straw. How can this idiot be strangely cute for several reasons?

"Pero nasa iba kasi 'yong puso ko, eh," nakangiti kong sabi.

Unti-unting lumambot ang ekspresyon ng mukha niya. Umiwas siya ng tingin pero kitang-kita ko ang pagpipigil niya ng ngiti. Namumula pa ang tenga ng unggoy.

Napangisi na lang ako. One point goes to meh! Good job!

Sa isang iglap, bigla na lamang may tumunog. Kapwa kaming napatingin ni Jago sa tiyan ko. Nyek! Mukhang nagrereklamo na ang tiyan ko. Gutom na ako!

"Ehem... Baka naman... Sino kayang nang-aya?" pagpaparinig ko.

Napangiwi naman ang kasama kong unggoy. "Kanina pa kita inaya ng milktea. Libre ko na nga, eh! Balakadʼyan!" Tinalikuran niya pa ako at inilayo ang milktea niya mula sa 'kin.

This Written Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon