Chapter 27 ~ Drunk in love

91 4 0
                                    

♪ ligaya - eraserheads ♪

♪ ligaya - eraserheads ♪

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

REMI

PAKSHET...

"Tayo na lang kaya?"

Nanlaki ang mga mata ko kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko.

Tatlong taon ko nang kasama si Jago dito sa Richmond Fields. Tatlong taon ko nang tinitiis ang mga kalandian na ginagawa niya sa 'kin.

Pero bakit sa pagkakataong ito, tumitibok na ulit ang puso ko nang dahil sa kaniya?

Unti-unting lumuwag ang pagkakayakap niya sa 'kin. Tiningnan niya ako, pero oras na tumama ang tingin niya sa 'kin, bigla na lang kumunot ang noo niya.

"T-Teka, galit ka ba?" para bang takot na takot niyang tanong.

Ha? Ano raw?

"Bakit naman ako magagalit?" kunot-noo kong tanong pabalik.

"Eh sa namumula ka, eh. Hindi ko na ia-assume na kinilig ka sa sinabi ko dahil never pa 'yon nangyari simula nang lumipat ako dito. Kaya baka galit ka."

Gago 'to, ah? Pero may point din naman siya... Kasi ngayon lang din ulit tumibok nang ganito kabilis ang puso ko dahil sa kaniya.

Shit! Ayoko na! Ano baʼng nakain ko nitong mga nakaraang araw?! Nakakarupok, eh!

Pinilit kong tumawa kahit mukha na akong natatae. "Hindi, 'no! Mainit lang talaga," pagdadahilan ko habang pilit na iniiwas ang mukha ko mula sa tingin niya.

"Ha? Pagabi na, Remibabes? Makulimlim na nga, eh."

Ah, shit. 'Di gumana ang palusot dot com. Pakyu, Moose! Oo, si Moose. Wala lang. Pakyu siya.

"Ah... Eh — manahimik ka na nga lang! Nagagalit na tuloy talaga ako!" bulyaw ko sa kaniya. Depota, bakit ba nangyayari sa 'kin 'to?! Anoʼng specific na kasalanan ang nagawa ko para magdusa ako nang ganito?!

Itinaas niya naman ang dalawa niyang kamay na para bang sumusuko sa pulis. Pero ang gago, nakangisi pa rin. Mukha tuloy siyang kriminal na may binabalak pang masama.

"Bye na nga! Baka makita pa tayo ni Moose. Maitakwil pa ako," sabi ko na lang at tinalikuran na siya. Pero laking gulat ko nang bumungad sa 'kin si Moose na nakasandal sa gate habang nakatingin sa amin.

Umiiling siya habang pumapalatak. Kupal talaga!

"Napakarupok, kapatid. Napakarupok." Mabagal siyang pumalakpak na parang tanga.

"Depotang Musiko..." Napangiwi na lang ako at pumasok na sa loob.

"Babye, fucking monkey — este Jago!" paalam ni Moose sa gago at kumaway pa. Ang gagong unggoy naman, kumaway rin pabalik. Napapalibutan ako ng mga tanga!

This Written Love StoryWhere stories live. Discover now