Chapter 30 ~ Almost but not quite

97 4 0
                                    

♪ ako'y tinamaan - reo brothers ♪

♪ ako'y tinamaan - reo brothers ♪

Ups! Gambar ini tidak mengikuti Pedoman Konten kami. Untuk melanjutkan publikasi, hapuslah gambar ini atau unggah gambar lain.

REMI

"TANGINA mo, Jago! I fucking love you, you fucking monkey!"

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko habang nakatingin kay Jago na kasalukuyang nanlalaki ang mga mata at nakaawang ang bibig dahil sa gulat.

Shit! Anoʼng ginawa ko?!

Umamin na naman ako... For the second time!

Putashikinginers!

Napalunok na lang ako dahil sa sobrang gulat at kaba. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko at parang tatalon na palabas ang puso ko. Nanlalamig na rin ang mga kamay ko. Kahit pawis ko, ang lamig! Dinadagdagan pa ng lamig ng aircon ang panlalamig ko dahil sa kaba.

"M-Mahal mo ako?" nauutal na tanong ni Jago at itinuro pa ang sarili niya.

Hindi ko naman maiwasang mainis. "Tangina nito. Sino baʼng kausap ko dito?! 'Yong hangin? Hoy, hangin, mahal kita! Depota!"

Bigla naman siyang namula. Kahit ako, pakiramdam ko, sobrang pula ko na rin ngayon kung kayaʼt a umiwas na lang ako ng tingin. Pero sadyang traydor itong ngiti sa labi ko.

"W-Weh? Baka naman joke-joke lang 'yan, ha?" rinig ko pang tanong niya kung kayaʼt binalingan ko uli siya ng tingin.

"Ayaw mo?" Tinaasan ko siya ng kilay.

Umangat ang gilid ng labi niya na para bang nagbabadyang ngumiti. "May sinabi ba 'ko?" nakangisi niyang sabi.

Inirapan ko lang siya at tumingin sa ibang direksyon. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad para malayuan siya.

Welp, shit happens. Ultimate déjà vu ko na siguro ito. Umamin ako sa parehas na tao sa pangalawang pagkakataon. Mapa-Dory man o Remi, Iʼm still a sucker for that guy named Jaguar Madi.

Bigla kong naramdaman ang paghawak niya sa kamay ko dahilan para bahagya akong matigilan. Pasimple akong huminga nang malalim para tatagan ang sarili ko. Shet! This is so not kewl!

"Tara. Saʼn mo gusto?" tanong niya kung kayaʼt kunot-noo akong napalingon sa kaniya. Sobrang lapad ng ngiti niya. Nakikita ko na nga ang konti niyang dimples. Ang cute din ng pagkunot ng ilong niya.

"Gusto ko nang umuwi," sagot ko.

Kumunot naman ang noo niya at ngumuso. Aish! Depotangina nito. May balak yata akong patayin.

"Bakeeeeeet?" Kumapit pa siya sa braso ko na parang tanga. Depota! Jago, kingina mo! 'Yong puso ko!

"Kasi naiinis ako sa pagmumukha mo," kunwariʼy naiinis kong sabi pero ang totoo, gusto ko nang umuwi kasi hindi ko na kaya ang nararamdaman ko ngayon. Para akong hinambalos ng langit at lupa.

This Written Love StoryTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang