Chapter 22 ~ Remi

96 4 0
                                    

♪ halik - kamikazee ♪

♪ halik - kamikazee ♪

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

DORY

DAHAN-DAHAN kong binuksan ang pinto ng bahay at pumasok sa loob. Basang-basa ako dahil sa ulan kung kayaʼt umabot ako ng ilang minuto sa labas para magpatuyo nang kaunti.

Sobrang sakit ng ulo ko. Pakiramdam ko, magkakasakit pa yata ako. Pero walang-wala 'to sa sakit na nararamdaman ngayon ng puso ko.

Pagkapasok ko sa loob ng bahay, pinagmasdan ko ang paligid. Nakapatay ang mga ilaw at mukhang walang tao. Buti na lang...

Dumiretso ako sa kwarto namin ni Moose. Hindi ko siya naabutan doon. Mukhang gumala na naman 'yon kasama sina Nilo at Orange. Wala rin si Tita Mommy dahil nasa trabaho 'yon.

Kinuha ko ang tuwalya ko bago nagtungo sa banyo sa baba. Binuksan ko ang shower at hinayaan ang malamig na patak ng tubig na basain ako.

Ang sakit...

Sobrang sakit.

Pakiramdam ko, sa pangalawang pagkakataon sa buhay ko, niloko na naman ako.

Nagmukha na naman akong tanga. Akala ko, mahal niya rin ako, pero hindi pala. Pinamukha niya sa 'kin na parehas lang kami ng nararamdaman pero sa huli, wala lang pala ang lahat ng 'yon sa kaniya.

Mapait akong natawa hanggang sa unti-unti na akong napahagulgol. Napasabunot na lang ako sa sarili ko habang hinahayaang tumulo ang mga luha ko.

Kung pagmumukhain niya lang pala akong tanga, sana sinabi niya na lang nang diretso sa 'kin ang totoo. Sana sinabi niya noong una pa lang para hindi ganito kasakit 'tong nararamdaman ko ngayon.

Sobrang nilalamig na ako pero hindi ko na ito pinansin. Sinisipon na rin ako at sobrang sakit na ng ulo ko, pero ayokong tumigil. Parang gusto na lang na mawala nang tuluyan.

"Tangina!" Napasigaw na lang ako at kasabay ng muling pagbagsak ng mga luha ko ay ang paghampas ng tubig sa 'kin.

Makalipas ang halos isang oras, lumabas na ako ng banyo at nagtungo sa kwarto para magpatuyo. Pagkatapos, humiga na ako sa kama para magpahinga.

Pinipilit kong makatulog pero hindi ko magawa. Iyak lang ako nang iyak. Pakiramdam ko, namamanhid na ang buong katawan ko.

Niloko niya lang ako. Pinagmukha niya akong tanga. Wala siyang pinagkaiba sa magaling kong tatay. Ginago lang nila ako.

Ipinikit ko na lang ang mga mata ko hanggang sa unti-unti na akong nakatulog.

~~~~~~

"DORY..."

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko nang maramdaman ko ang isang kamay na humahaplos sa ulo ko. Dahan-dahan akong napatingin sa tabi ko at nagulat ako nang makita si Jago.

This Written Love StoryWhere stories live. Discover now