Chapter 45 ~ Bad News

91 4 0
                                    

WARNING: This part of the story may contain mature and disturbing themes not suitable for young audiences.

WARNING: This part of the story may contain mature and disturbing themes not suitable for young audiences

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

REMI

ILANG buwan na ang lumipas pagkatapos ng nangyari sa tulay na 'yon. Tanging kaming dalawa lang ni Jago ang nakakaalam ng nangyari. Wala na kaming ibang pinagsabihan, miski si Kuya Ger ay 'di namin sinabihan. Gusto ni Jago na manatili lang na sikreto ang nangyari, at naiintindihan ko naman kung bakit.

Pero sa tuwing naaalala ko ang gabing 'yon, hindi ko maiwasang mabahala. Sa loob ng napakahabang panahon na magkasama kaming dalawa, noong gabi lang na 'yon ko nakita siyang ganoʼn.

Hindi talaga ako mapakali sa tuwing naiisip ko siya. Sa isang iglap, muntik na niyang saktan ang sarili niya. Kung hindi ko lang siya pinigilan noʼn, hindi ko alam kung ano nang nangyari sa kaniya.

Natatakot ako... Natatakot ako na baka isang araw, magtagumpay na siya at wala na kaming ibang magagawa pa dahil huli na ang lahat.

Sinusubukan kong palakasin ang loob ko sa tuwing naiisip ko 'yon. Hindi ko hahayaan na mangyari ang bagay na 'yon. Kasama niya na ako ngayon. Hindi ko na uulitin 'yong pagkakamali ko noon.

Hindi ko na ulit siya iiwan katulad ng dati.

~~~~~~

LUMABAS ako ng banyo pagkatapos kong maligo. Tatanungin ko sana si Mary kung kumusta ang araw niya pero naabutan ko siyang tulog na tulog sa kama niya. Kakatapos lang ng first sem namin kaya paniguradong pagod na pagod nga siya.

Naupo na lang ako sa kama ko at tinuyo ang maikli kong buhok gamit ang tuwalya. Mayamaya, bigla na lang tumunog ang phone ko na nakapatong sa study table. Kinuha ko ito at bumungad sa 'kin ang pangalan ni Jago sa notifs.


9:38 PM

jagonggoy 🐒:

Knock knock

You:

Walang tao

jagonggoy 🐒:

Do u mean...

Walang hayop?

Walang hayop?

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
This Written Love StoryWhere stories live. Discover now