Chapter 47 ~ Gone

90 4 0
                                    

REMI

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

REMI

NAKATUON lang ang mga mata ko sa bracelet na nasa loob ng plastic bag. Sunod-sunod na rumagasa ang mga luha ko habang lalong tumindi ang panginginig ng mga nanlalamig kong kamay. Mistulang lalabas na sa dibdib ko ang puso kong sobrang lakas ng pagkabog.

Inilahad ko ang kamay ko at ipinakita sa kaniya ang ginawa kong bracelet. Kulay brown ito at may nakasulat pang 'Musikoʼ sa plate na nasa gitna nito.

"Tamo, ginawan ko rin sarili ko."

"Unfair! Baʼt sa 'yo 'Remiʼ ang nakasulat tapos sa 'kin, 'yong totoo kong pangalan?!"

Humakbang ako paatras habang nanatili pa ring nakatingin kanila Mama na umiiyak sa tabi ng metal na higaan.

"Hindi..." Muli akong umatras, patuloy sa pagragasa ang mga luha ko. "M-Moose... Hindi... Hindi 'to totoo..."

Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari. Natagpuan ko na lang ang sarili kong tumatakbo sa tilaʼy walang hanggang pasilyo ng ospital. Takbo lang ako nang takbo kahit pakiramdam ko, anumang oras ay babagsak na ang nanghihina kong mga tuhod.

Paulit-ulit na umiikot sa isip ko ang mukha ni Moose. Parang umaalingawngaw sa isipan ko ang araw-araw naming mga pag-uusap. Walang tigil sa pagbagsak ang mga luha ko habang tuloy-tuloy lang ako sa pagtakbo.

~~~~~~

"Oh! 'Musta ka na? Depota ka, ah? Minsan ka na lang tumawag."

"Ah, ano kasi... B-Busy kasi ako! Ang hirap pala ng college. 'Di mo man lang ako binigyan ng warning. Taena ka!"

"Kasalanan ko bang hindi mo itinanong sa 'kin? 'Nga pala, may balak ka raw bang bumisita sa bahay? Miss ka na raw nila Mama. 'Di ko nga gets kung bakit, eh. Napulot ka lang naman namin sa tae ng kalabaw."

"Baka o damare!"

"Ha? Anong baka? Baka na moo-moo, o baka na maybe?"

"Wala, wala. Bobo ka. Pakisabi nga pala kila Mama na miss ko na rin sila. Masyado lang talaga akong busy dahil sa mga pinapagawa sa school. 'Pag nagka-free time ako... bibisita ako."

"Hmp! Siguraduhin mo lang, depotang Musiko. By the way, 'wag kang mambubuntis dʼyan, ha? Ayoko munang maging tita. Gusto ko pang i-enjoy ang aking buhay."

"Ulol! Ikaw ang may kalandian dʼyan. Ano, pustahan? Paunahan mabuntis."

"Gago! Lugi ako! Wala ka namang matres, eh!"

"Akala mo lang wala, pero meron! Meron!"

"Manahimik ka!"

"Hahaha! Ay... Remi—"

"Oops... Sorry mah braderpaker, but I have to go now. Pinapatawag kami ng prof namin."

"Ah... Sige, sige. Pakisabi na lang kina Mama, Papa, at Tita Mommy na mahal na mahal ko sila..."

This Written Love StoryWhere stories live. Discover now