Chapter 38 ~ Forgiveness

89 4 0
                                    

REMI

Йой! Нажаль, це зображення не відповідає нашим правилам. Щоб продовжити публікацію, будь ласка, видаліть його або завантажте інше.

REMI

ANG dapat na masayang gabi na aabot sana ng madaling araw ay mabilis na natapos dahil sa nangyari. Pagkatapos ng biglaang pagliban ni Penny sa debut niya, napuno ng bulungan ng mga bisita ang buong mansyon. Sinubukang kontrolin ng mga magulang ni Pennu ang sitwasyon, pero wala na silang ibang nagawa kundi ipatigil ang party at pauwiin na ang lahat. Nakita ko kung gaano kagalit ang tatay ni Penny bago kami umalis ni Jago.

Gusto ko mang puntahan ang mga kaibigan ko, hindi ko nagawa dahil pinauwi na kami ng mga tauhan ni Mr. Fletcher. Wala na akong ibang nagawa pa kundi magdasal na lang, humihiling na sana ay walang mangyaring masama sa mga kaibigan ko.

Umuwi ako sa bahay na lugmok at nag-aalala sa mga maaaring susunod na mangyari. Hinatid ako ni Jago pero hindi rin siya nagtagal sa bahay. Nang makauwi ako, nagtaka ang pamilya ko dahil sobrang aga ko naman daw umuwi.

"Ano?!" reaksyon ni Papa nang ikwento ko sa kanila ang nangyari. Sinabi ko kung paano nadawit ang anak-anakan niyang si Mason sa gulo. Sobra ring nagulat sila Mama dahil kilala nila si Penny.

Kilala namin si Penny bilang isang mapagmahal at maalagang kaibigan, kung kayaʼt siya na ang naturingan naming nanay ng barkada namin. Pero ngayong gabi, nabasag ang suot-suot niyang maskara. Tuluyan nang bumaliktad ang ngiti niya na lagi niyang pinapakita sa 'min. Ang mga mata niyang nagbibigay-liwanag sa 'min, tuluyan nang nabalot ng dilim.

Pagkatapos kong magpalit ng damit, sinampay ko muna ang sinuot kong gown. Hindi ko naman mapigilang pagmasdan ito. Ano na kayang nangyari kanila Penny?

Mayamaya, bigla na lang pumasok si Moose sa kwarto namin. "Oy! 'Di ba sila Ate Penny 'to?" Ipinakita niya sa 'kin ang phone niya kung saan nagpi-play ang isang video. Kinuha ko naman ito para mapanood nang maayos.

Pakiramdam ko, nanlamig ang buo kong katawan nang makita sina Cora at Penny sa video. Medyo madilim ang lugar kung nasaan sila pero kitang-kita ang mga mukha nila, lalo na dahil sa mga suot nilang gown. Medyo malayo ang view ng pagkuha kung kayaʼt mukhang nagtatago sa isang gilid ang kumuha ng video.

"Hindi ako tanga, Cora. Alam kong may gusto ka kay Mason. Alam kong may gusto ka sa lalaking mahal ko! Pero hindi ko 'yon pinansin. Alam mo kung bakit? Kasi kaibigan kita, eh..."

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Penny.

Tama ako... Nalaman niya na ang totoo.

"Kaibigan kita kaya pinagkatiwalaan kita. Hinayaan ko lang kahit halos kayo na lang ang magkaintindihan kasi mas matimbang para sa 'kin 'yong pinagsamahan natin, eh. Pero puta, mas matimbang pala sa 'yo ang landiin siya!" Marahas na itinulak ni Penny si Cora sa balikat dahilan para muntik na itong matumba sa kinatatayuan niya.

Buong buhay ko, ngayon ko lang nakita na ganito kagalit si Penny sa puntong nagmumura na siya. Mahaba ang pasensya ng Penny na kilala ko. Pero sa pagkakataong ito, mukhang hindi niya na napigilan pa ang nararamdaman niya.

This Written Love StoryWhere stories live. Discover now