Chapter 57 ~ Under the stars

97 4 0
                                    

♪ burnout - sugarfree ♪

♪ burnout - sugarfree ♪

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

REMI

PAANO mo nga ba masasabi kung mahal mo ang isang tao?

Kapag ba gusto mo siyang makasama araw-araw? Kapag ba sumasaya ka sa mga ngiti niya? Kapag ba kahit wala siya, siya pa rin ang iniisip mo?

Sobrang daming nagsasabi na napakakomplikado ng pag-ibig.

Kung gaano ka raw naging kasaya nang dahil sa kaniya, ganoʼn din daw kung gaano ka magiging kalungkot kapag nasaktan ka niya.

Mahirap magmahal at maniwala sa pag-ibig, lalo naʼt alam mong masasaktan at masasaktan ka talaga.

Pero kaya mo bang maging matapang para sa taong mahal mo?

Kaya mo bang maging matapang para bigyan siya ng pangalawa o pangatlo o paulit-ulit na pagkakataon?

Kaya mo bang magpatawad?

Kaya mo bang makatanggap?

Kaya mo bang masaktan?

And in my case, kinaya ko ang lahat ng 'yon dahil mahal ko siya.

Pero hindi ko alam kung titiisin ko pa ba ang lahat ng sakit para lang sa kaniya. Oo, siya pa rin — siya pa rin talaga ang mahal ko. Kahit anong pilit ko, sa kaniya pa rin tumitibok ang puso ko.

Pero oras na ba para bumitaw? Oras na ba para sumuko? Sa sitwasyon namin ngayon na hindi na maayos ang pakikitungo namin sa isaʼt isa, pipiliin ko pa rin ba siya hanggang sa huli?

Sapat na ba ang pagmamahal ko para manatili sa tabi niya?

Natagpuan ko ang sarili kong maka-ilang ulit na bumubuntong-hininga. Napahawak ako sa dulo ng damit ko para ilabas ang nararamdaman kong kaba. Napakalakas ng kabog ng dibdib ko na para bang anumang oras ay tatakas na ang puso ko mula dito.

Paano ba kami humantong sa ganito?

Tumigil ako sa paglalakad at dumako ang tingin ko sa isang lalaki na nakaharap sa fountain na nasa gitna ng park. Huminga ako nang malalim. Likod pa lang, sigurado na akong siya 'yon.

Kaya ko ba 'to? Kaya ko na ba siyang palayain? Kaya ko na ba siyang bitawan?

Napalunok ako.

Kung hindi kami mag-uusap nang matino, mananatiling walang sagot ang mga tanong na gumugulo sa isip ko.

Kailangan kong maging matapang. Kailangan kong matapang na harapin ang mga problema ko. Kung dati, tinatakasan ko lang ang mga problema ko, pwes, hindi na ngayon.

Magpalit man ako ng pangalan at ugali.

Pumunta man ako sa malalayong lugar.

Pilitin ko mang takasan ang lahat.

This Written Love StoryWhere stories live. Discover now