Chapter 16 ~ The Aftermath

94 4 0
                                    

DORY

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

DORY

TANGINA...

Tangina talaga...

Tangina lang talaga!

Napapikit na lang ako nang maramdaman ang paghampas ng malamig na tubig sa mukha ko. Sinampal-sampal ko ang mga pisngi ko. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin.

Shit, shit, shit! Did I just confess to him?! Did I just confess to the person I love?! Did I just confess to Jago?! Si Jaguar na best friend ko? Kingina!

"Kupal ka, Dory!" Inilapit ko ang mukha ko sa salamin. Kitang-kita ang pamumula nito dahil sa nararamdaman ko.

Hindi ko na maintindihan ang nangyayari. Kinakabahan ako na kinikilig na nagiginhawaan na hindi makapaniwala. Tangina, nagkahalo-halo na 'yong nararamdaman ko! Gulong-gulo na ako!

Napatili na lang ako dahil sa sobrang emosyon na nararamdaman ko.

"Dory! Ang ingay mo!" rinig kong reklamo ni Moose na nasa kwarto namin. Katabi lang kasi ng banyong pinasukan ko ang kwarto naming dalawa.

"Edi wow!" sigaw ko na lang at muling naghilamos.

Shitty shit shit! Ano nang mangyayari?! Mas lalo lang akong iiwasan nito ni Jago. Pero hindi ba 'yon ang dapat na mangyari? Tangina niya naman kasi, eh! Gusto kong lumapit siya sa 'kin pero mas pipiliin niyang lumayo. Sabog amputa!

Paulit-ulit akong huminga ako nang malalim, tuluyan nang nagsi-sink in sa 'kin ang nangyari.

Umamin ako sa kaniya. Umamin ako na mahal ko siya, at hindi bilang kaibigan.

Holy shet ka, Dory!

Napabuntong-hininga na lang ako. Well, itʼs now or never. Gusto na rin naman niyang lumayo, eh. Edi umamin na lang din ako. Matatapos na rin naman ang pagkakaibigan namin edi isagad na natin ang sakit. Yikes!

Siguro, go with the flow na lang ako sa maaaring mangyari. At least, nawala ang bigat sa dibdib ko. Wala na akong itatago sa kaniya.

~~~~~~

PARA akong timang habang naglalakad papasok ng school. Kung saan-saan ko nililibot ang paningin ko, sinisiguro kung nasa paligid lang si Jago. Nakasuot pa ako ng beanie para madali kong maitago ang mukha ko. Depota! Nakakahiya pala 'pag ganito!

"Ano ba'ng ginagawa mo? Para kang tanga," komento ni Moose na nakangiwi na dahil sa pinaggagagawa ko.

"Manahimik, Musiko!" saway ko na lang sa kaniya.

"Bakit? May tinataguan ka ba?" tanong niya pa. Marahas akong napakamot sa ulo dahil sa inis. Ang daming tanong, mukha kang talong. Ay wow, nag-rhyme. Kewl!

"I fucking love you, you fucking monkey," bulong niya dahilan para matigilan ako. Nanlalaki ang mga matang napalingon ako sa kaniya. Nakangisi lang siya na para bang inaasar ako.

This Written Love StoryWhere stories live. Discover now