Chapter 44 ~ Bridge

89 4 0
                                    

WARNING: This part of the story may contain mature and disturbing themes not suitable for young audiences. 

♪ nobela - join the club ♪

♪ nobela - join the club ♪

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

REMI

MADILIM na ang kalangitan at ilang oras na lang, magha-hatinggabi na pero buhay na buhay pa rin ang mga estudyante na nagkakasiyahan sa university festival.

"Hindi pa ba kayo uuwi?" tanong sa 'min ni Jago. Medyo na-late sila nang konti ni Kuya Ger kanina dahil sa traffic pero nakarating pa rin naman sila. Tulad ko, gulat na gulat din si Jago na muling makita si Jeo. Alam kong magkaibang-magkaiba ang ugali nilang dalawa, pero magkaibigan rin naman siguro sila noon.

Sa kabilang banda naman, medyo lutang ako ngayon dahil sa mga nangyari. Sa tuwing tumitingin ako kay Jago, kumikirot ang puso ko. Para bang may napakabigat na bagay na nakadagan sa dibdib ko.

Sinusubukan niya pa naman akong kausapin pero wala talaga ako sa tamang wisyo. Tinatanong niya pa ako kung okay lang ako kung kayaʼt wala akong ibang magawa kundi um-oo kahit alam ko sa sarili kong hindi naman talaga ito totoo.

Hindi ako okay. Kapag tinitingnan ko siya, mas bumibigat ang pakiramdam ko. Pagkatapos kong malaman ang totoo, hindi ko alam kung matitingnan ko pa siya nang tulad ng dati.

Ito ba ang nararamdaman ni Mary? Ganito ba kalala ang nararamdaman niyang guilt? We always looked at Jago as some kind of bad guy. Siya lagi ang may kasalanan sa paningin namin, at hindi tama 'yon.

Nakakainis na hanggang ngayon, may epekto pa rin sa 'kin at sa mga taong nakapaligid sa 'kin 'yong mga ka-selfish-an ko noon.

"Cora and I will head out already. Inaantok na ang bata," sagot naman ni Penny sa tanong ni Jago. Napatingin kami kay Cora at nakitang maputla na siya — mas maputla kumpara kanina.

"Hatid ko na kayo," suhestyon ni Clifford. Kaming lima na lang kasama si Kuya Ger ang magkakasama. Nauna nang umuwi si Mary sa dorm namin habang si Jeo naman, may iba pang prior agenda.

Umiling naman si Penny. "Ako na. Gusto ko na ring matulog, eh. May meeting pa kami bukas ng SC."

Mayamaya, nagpaalam na kami sa kanilang dalawa. Sinundan ko silang dalawa ng tingin at hindi ko maiwasang maalala ang away nila dati. Mabuti na lang talaga at nagkabati sila kundi 'di ko alam kung anoʼng mangyayari sa 'min noong panahon na 'yon. Hindi ko kayang mawala ang mga kaibigan ko.

Nang mawala na sila sa paningin ko, sinilip ko ang phone ko para tingnan oras. 10 PM na pala pero parang maaga pa dahil sa mga estudyanteng nagkakasiyahan.

"Uwi na rin ako, ha? Inaantok na rin ako, eh," paalam ni Clifford sa 'min.

"Sus! Umalis lang si Cora, eh. Lumayas ka na nga!" Pabiro siyang itinulak ni Jago palayo. Binatukan niya naman ito kung kayaʼt ang ending — Ayon, nagbugbugan na ang dalawang mokong.

This Written Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon