Kabanata 31.1

100 5 1
                                    


Athena

How I miss Arusa. I really like that place.

Parang kahapon lang noong naroon pa kami. Namimiss ko na rin si Zues, dalawang araw na mula nang huli kaming magkita.

Napapansin ko rin nitong dalawang araw ay may kakaiba sa kanya. He was not like what he used to. No remarks. No playful smirks. And I felt like it wasn't my place to ask him his problem. I just gave him his space for the meantime.

Bumaba ako ng kama dahil kanina pa ako nakatihaya roon. Dumiretso na ako sa banyo para maligo. Natigilan lang ako nang mapansin ang suot ko sa salamin. Kaya pala mainit, sinuot ko pala itong jacket ni Zeus mula sa pagtulog. Hindi ko alam kung nasanay lang akong naka-jacket noong nasa Arusa pa kami o dahil namimiss ko lang talaga ang asungot na iyon. Kahit text kasi mula sa kanya ay wala.

Bumaba na ako sa papunta sa dining pagkatapos mag-ayos. Nauna na pala ang magulang ko sa dining area.

"Good Morning Mommy! Daddy!"

I kissed them both in the cheeks.

'Tsaka ako umupo sa harap ni Mommy, si Daddy naman ay nasa gitna.

"You look different, daughter. Are you hiding something, baka may boyfriend ka na, hmm," puna ni Daddy.

Tinapik naman ni Mommy si Dad dahil sa biro niya 'saka tumingin si Mom sa akin.

"Ang ganda 'ata nang gising mo ngayon, baby."

"Wala pa akong boyfriend Daddy no. Good girl ako," baling ko kay Daddy. "And Mom talaga namang laging maganda ang gising ko," nakangiti pang sabi ko.

"Napansin ko lang naman. Dahil ba yan sa outing niyo ng mga pinsan mo?"

Muntik na akong mabulunan sa sinabi ni Mommy. Pag - uwi kasi nila galing abroad ay naabutan nila akong wala. Kahit may signal sa Arusa ay nakalimutan kong magpaalam sa kanila. Nawala rin sa isip ko na hindi sila mag i'stay roon nang isang buwan kaya maaaring umuwi sila ng maaga.

Si Achylles na rin ang nagpaliwanag na kinidnap nila ako para raw maka pag - unwind dahil mukha raw akong stress dahil sa pag-aaral, malapit na kasi ang graduation. Sinabi niya iyon pagkatapos nila akong ihatid noong nakaraang gabi.

"Ahm. Yes, Mommy. Nag - enjoy kasi ako sa pinuntahan namin nila Achy. Sayang lang at wala si Kuya Cage," kunwari ay sabi ko.

Sumubo ako ng pagkain para ibaling ang kabang naramdaman. Baka kasi bigla silang magtanong kung saan kami pumunta. Wala pa akong alibi na naisip. Ang sabi ni Alyssa ay hindi namin maaaring sabihin o kahit banggitin ang lugar na iyon. Kung ayaw raw naming maging malamig na bangkay.

Namutla pa nga kami sa sinabi niya. Pero natawa na lang ako kasi alam ko namang nagbibiro lang siya. Mukha lang naman siyang siga pero wala sa itsura niya na kaya niyang pumatay.

"Maganda 'yan. Ayoko namang mai-stress ang baby ko. But next time magpaalam ka kung aalis ka nang bahay akala namin may nangyari ng masama sa iyo," nakangiting sabi ni Mommy.

Nakikinig lang si Daddy at sumasangayon lang sa sinasabi ng mahal na asawa.

"Yes, Mommy. I'm sorry again."

"It's Okay, sweetie."

Nakahinga ako ng maluwag nang mag - iba na ang usapan. Sumasali naman ako sa kanila kapag may tinatanong sila.

"Nga pala bukas may gaganaping party sa Mansion ng Mallari. Hindi ko alam kung para saan pero we need to be there," ani Daddy.

"Mansion? Nakasara ang Mansion ng Mallari. Hindi ba, Ark?" nagtataka pa habang nakatingin sa asawa.

Her Dauntless Eyes √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon