Kabanta 12

129 7 0
                                    


Athena

          NAGTATAKA ako kung bakit hindi ko makontak si Alyssa. Kanina pagpasok ko sa Unibersidad ay agad ko siyang hinanap ngunit kahit anino niya ay hindi ko mahagilap.

Hindi ko rin ako makakuha ng tiyempo para magtanong sa mga ka-block niya dahil parehong abala ang mga ito sa pinag-uusapan. Actually, all of them are busy whispering and talking about something.

May nangyari kaya kahapon na hindi ko alam? Wala naman kasi akong klase kahapon.

Dumaan ako sa Belle Restaurant pagkatapos ng klase ko. Nalaman ko na lang na nag-resign na pala si Alyssa last week. Hindi niya iyon nabanggit sa akin.

Pauwi na ako ngayon habang laman pa rin ng isip si Alyssa. Saan naman kaya siya nagpunta, kung mawawala naman siya ay nag-rereply naman siya sa mga texto tawag ko. What if I go to her place?

Great idea.

Napangiti ako sa naisip.

Natigil lang ako nang maalalang hindi ko nga pala alam ang address ng apartment niya.

An idea came up and called Cage. Siya ang nagpa-imbestiga kay Alyssa malamang na alam niya ang address ng kaibigan. Hmm.. I'm so brilliant!

His phone just keep ringing for the fourth time. So, I decided to go to his office myself. Sinabi ko sa taxi driver na ihatid na lang ako sa Demetrius SIA Building.

Nang makarating kami ay nagbayad ako agad at lumabas. Tiningala ko ang building.

DEMETRIUS SECURITY AND INVESTIGATION AGENCY

Naglakad ako papasok ng entrance ng SIA.

Pinapasok ako agad ng security nang hindi na veverify ang identity ko dahil kilala na ako rito. Sumakay ako ng elevator at pinindot ang floor number. Pagbukas ng elevator ay bumungad sa akin ang reception. Nakita ko agad ang sekretarya ni Kuya Cage.

Lumapit ako rito. Napansin naman niya ako at nakilala. Agad siyang tumayo at binati ako.

I smiled then asks her,"Hi. Nandito ba si Kuya Eros?"

"Yes, Ma'am. Nasa loob po si Sir Eros pero may kasama po siya, may meeting po 'ata. Ipapaalam ko lang po na narito kayo." Iaangat na sana niya ang telepono nang pigilan ko siya.

"No need. Sino ang kasama niya?"

Narinig ko ang tunog nang pagbukas ng elevator mula sa likod pero hindi ko iyon pinagtuunan ng pansin.

"With your -" naputol ang sasabihin sana niya, when someone interrupted from behind.

"Hi, Lorie. Is Cage inside?"

Nakatalikod ako kaya hindi ko nakita kung sino ang nagsalita. Pero alam ko sa boses pa lang niya kung sino siya.

I cleared my throat to get Lorie's attention. Hindi pa niya natatapos ang sinasabi ay natulala na sa bagong dating. Gusto ko tuloy mapairap sa inis.

Bumalik naman ang atensiyon niya sa akin.

"Ah.. his with your cousin's, Ma'am," sa wakas ay sagot niya sa tanong ko.

Umirap ako sa hangin at bigla ko siyang tinalikuran. Tumingin na naman kasi siya sa taong nasa likuran ko.

Dumiretso na ako sa opisina ni Cage pero may naramdaman akong nakasunod sa likod ko. Huminto ako sa harap ng pinto ng opisina ni Cage.

Kumatok muna ako bago dahan - dahang binuksan 'yon. Pagkabukas apat na pares ng mata ang nakatingin sa akin. Ngumiti ako at pumasok na nang tuluyan.

Her Dauntless Eyes √Where stories live. Discover now