Kabanata 18

138 7 0
                                    


Helliza
(Alyssa)





               Unti - unting bumalik sa akin ang ginawa ko kay Hades. Kahapon siguro iyon nangyari at wala ako sa sarili nang mga oras na iyon.

Ilang beses kong minura sa isip si Zeus. Inutusan ba siya ng Lolo na gawin ito? O dahil tutol pa rin ako sa relasyon nila ni Athena.

Ginulo ko ang sariling buhok. Kulang na lang ay magpagulong - gulong ako sa kama.

Bloody Hell! Did I really do that to him?!

"Ayos lang ba kayo, Ma'am. Gusto niyo bang tumawag ako ng Doctor o si Sir Hades?" aniya ng nurse na nababahala sa ikinikilos ko.

Nag - aalalang sabi niya. Akala siguro niya ay nababaliw na ako.

"NO!" I shouted na ikinagulat naman niya.

Sinabi kong lumabas muna siya at magpapahinga ako. Napansin kong nagdalawang - isip pa siya bago lumabas ng kwarto. Nang makita kong wala na siya ay hinanap ko ang bagback. Nahagilap ko naman iyon sa may  sofa. Nakapatong din doon ang damit na suot ko kahapon.

Bumaba ako ng hospital bed at tinanggal ang swero sa kamay. Kinuha ko ang bag sa sofa at pumasok sa rest room. Hinanap ko ang cellphone sa bag nang tignan ko 'yon ay nakitang ko ang ilang text messages at missed calls. Hindi ako nag - abalang tignan pa kung sino ang mga iyon.

Alas - singko na pala nang hapon.

Nagmadali ako nagpalit ng damit. Pagkatapos ay naghilamos ako ng mukha at tinalian ang hanggang balikat kong buhok.

This is why I hate being sick!

For no apparent reason I became different person when I'm sick. Especially, when I'm halfsleep after being sick.

Bakit kasi pinaalala ng Nurse na 'yon ang nangyari, tuluyan ko na sana iyong kinalimutan.

Kung si Zeus lang ang kasama ko ay baka bugbog at torture na naman ang inabot niya sa akin.

Mabuti na lang at hindi gano'n ang nangyari kay Hades. Hinarass ko nga lang siya. Napangiwi ako nang maalala ang ginawa ko sa kanya.

But that Hudas even have the guts to kissed me!

I relax myself inside the restroom before I finally decided to go out.

Binuksan ko ang pinto ng kwarto. Sumilip muna ako sa pinto para tignan kung may tao sa labas. Mabilis at walang ingay akong naglakad. Nagpasalamat akong wala akong nakasalubong.

Nagmadali akong umalis sa hospital bago pa tawagan ng pakialamerang Nurse na 'yon si Hudas. Hindi ko pa kayang makita ang lalaki.

Ano na lang ang iisipin niya. Pero wala akong pakialam. Hindi ko muna siya pwedeng pagtuonan ng pansin. Hindi pa sa ngayon.

Ang una ko munang gagawin ay hanapin si Zeus at bugbugin. Ngunit siguradong nagtatago na siya ngayon kaya ipagpapaliban ko muna.

Papadilim na ang kalangitan. Nasa gilid ako ng kalsada ngunit wala akong makitang kahit isang taxi na dumaraan. Napilitan akong maglakad.

Nag-vibrate ang cellphone. Inilabas ko iyon sa bulsa ng pantalon, nang makitang hindi rehistrado ang numero ay inangat ko agad iyon. Nagpatuloy ako sa paglalakad.

"Helliza."

Nakilala ko ang boses sa kabilang linya.

"What do you want," walang ganang sagot ko. Hindi naman siguro niya ako kukulitan ngayon, iba kasi ang tono niya.

Her Dauntless Eyes √Where stories live. Discover now