Kabanata 8

150 8 0
                                    

Athena

           It was nine in the morning when I received a call from Mom. She said we have to attend a party this evening. I wanted to protest but Mom already ended the call. hindi ko alam kung para saaan ang party na dadaluhan namin mamayang gabi.


Bumangon na ako sa kama, late na kasi akong nagising dahil hindi talaga ako dinalaw ng antok kagabi. I looked at the phone in my hand. Si Zeus ang bumili nito kapalit ng cellphone na ibinato ko sa mukha niya na ako rin naman ang sumira.

Lastweek pa niya ito ipinadala sa akin kasama ang basag na cellphone ko. Ayaw ko sana itong tanggapin dahil hindi naman kami magkasundo pero inisip ko na lang na kasalanan niya.

Bakit pa ako bibili at gagastos ng malaki.

I put the phone on the bedside table. I went to the bathroom to take a bath. Pagkatapos ay bumaba na ako para kumain. Nagpahanda ako ng brunch.

I was thinking of what to wear this evening. Maybe I should wear that evening dress I bought lastweek. Mabuti na lang magagamit ko na iyon.


While eating I texted Alyssa if she's available tonight. Of course! I'm gonna invite her so I can talk to someone there. I'm sure, It would be boring as death. Pero siguro naman naroon sila Achylles, knowing them business is all it matters.

Nag-reply naman agad si Alyssa. Hindi ko na inexpect na sasama siya. She only replied the 'busy' word.

Nakita kong papalapit si Nanay Salud na mayordoma namin.

"Athena, iha. Dumating pala ito kanina. Ang bilin ni Ma'am Avery ay ibigay ko ito pagkagising niyo si Johnny na raw ang maghahatid sa inyo sa party," aniya 'saka niya inabot ang invitation card.

"Thank you, Nanay Salud."

Nang umalis na ito ay binuksan ko ang invitation. Napataas kilay ako nang mabasa kung saang Hotel gaganapin ang party.

Emerald Hotel.

The Hotel was owned by the late Mallari, isa ito sa pinakamalaki at sikat na Hotel. Pangarap kong doon kumuha ng internship sa susunod na sem.

The Emerald Hotel was named after Doña Esmeralda that will always remind of Don Apollo's beautiful wife.

I heard Marco Marquez wanted to change the name of the Hotel but the BOD is againts it.


---

It was already five in the afternoon. I still have a lot of time to prepare for the party. Naghanda ako ng bubble bath. Nagbabad ako ng ilang minuto roon.

After I'm done taking a bath

I curl my hair at nag - light make up na rin ako and I wear my black evening dress. Naghanap na rin ako ng black heels na babagay sa dress ko, and a black bag.

Kinuha ko ang invitation card at nilagay sa bag.

Nang matapos ako sa matagal na pag-aayos ay bumaba na ako. Nanroon na rin si Mang Johnny ang family driver namin. May 30 minutes pa ako bago dumating sa party. I texted Mom that on my way.


I looked outside the window. Tuluyan ng dumilim ang paligid at street light na lang ang makikitang liwanag sa labas. Pagdating ay halos pilahan ang kotse dahil sunod - sunod nagsidatingan ang mga guests. Nang malapit na sila ay naghanda na ako sa pagbaba. Tumapat kami sa entrance bumaba naman si Mang Johnny at pinagbuksan muli ako ng pinto. Nagpasalamat ako at lumabas na.

Pumasok na ako sa loob ng Hotel. Napansin ko ang ilang empleyado na nag-assist ng mga guest. Napansin kong nag-checheck sila ng invitation. Inilabas ko ang invitation mula sa aking bag. Akala ko ay mabilis lang pero may nangyayari pa yatang kumosiyon sa harap ng pila.


Her Dauntless Eyes √Where stories live. Discover now