Kabanata 26.1

110 8 0
                                    

Third person's Point of view


ISANG malaking modern house ang matatagpuan sa malawak na exclusive village.

Nakatira roon ang ina ni Hades, si Aphrodite Saavedra.

Minsan lang umuwi si Aphrodite ng Pilipinas dahil sa labas ng bansa nakabase ang ibang negosyo ng Saavedra. She's an only child and her husband is already gone. Kaya sa anak nitong si Hades iniasaha ang ibang negosyo.

Ngayon lang ito nakauwi galing Thailand dahil inasikaso nito roon ang Publishing Co. na pagmamay - ari ng pamilya.

Isa itong registered surgeon pero dahil sabay na pumanaw ang magulang noon ay ito ang humawak sa mga kompanya. Siya na rin ang humawak ng iba pang Hospital sa Scotland at mga kompanya sa ibang bansa na hindi na kayang hawakan pa ng anak nitong si Hades.

Nang dumating ito ay agad na inasikaso ng mga katulong ang dalang bagahe. Inutusan ang mayordoma na dalhan siya ng kape sa opisina.

Pagod na sumandal sa swilver chair ang Doktora nang makapasok sa loob ng opisina.

Hindi nagtagal ay kumatok ang hindi katandaang mayordoma na si Manang Dez. Inilapag nito ang kape sa harap ng amo.

"Salamat, Manang Dez," sabi nito sa mayordoma.

"Walang anuman, Aphrodite. May ipag - uutos ka pa ba?" tanong nito.

"Wala na, Manang. Salamat," tugon nito sa mayordomo.

Lumabas naman si Manang Dez at isinara ang opisina ng amo.

Iniisip ng Doktora na tawagan ang nag - iisang anak na si Hades. Ngunit nagbago ang isip nito dahil baka abala na naman ito sa pag - asikaso sa kompanya. Alam nitong hindi rin sasagutin ng anak ang tawag. Ang katotohanang malayo ang loob ni Hades sa ina ay bumibigat ang pakiramdam nito.

Kinuha ni Aphrodite ang ibang papeles na iniwan bago siya umalis tatlong linggo na ang nakakaraan. Pinag - aralan ang mga 'yon bago aprobahan ang iba pa.

Umiinom pa lang ng kape si Aphrodite nang may kumatok sa labas ng pinto.

"Come in."

Nag - angat ito ng tingin. Bumalik si Manang Dez.

Nasa mukha ng Mayordoma ang hindi maipaliwanag na reaksyon. Para itong takot, gulat at iba pa. Nagtaka naman ang Doktora sa inasal ng kasambahay para kasi itong nakakita ng multo sa hitsura.

"What's wrong, Manang?" Aphrodite asked with concern in her voice.

"M-May b-bisita ka, Iha," putol putol ang salita na tugon nito sa Doktora.

Napaisip ang Doktora.

'Bisita? Sino naman ang bibisita sa kanya sa ganitong oras. Alas - otso na ng gabi at kararating ko lang. Sino kaya sa mga kaubigan ko?' she thought.

Magtatanong pa lang sana ang Doktora kung sino ang bisita niya ngayong gabi.

Doon naman pumasok ang matandang lalaki, hawak ang isang tungkod sa kanang kamay. Nasa likod din nito ang alalay na si Homer.

Her Dauntless Eyes √Where stories live. Discover now