Kabanata 22.2

137 7 0
                                    

Alyssa

           Nanalo ako sa pangatlong laban ko ngayong hapon. Sa tatlong laro na iyon ay hindi magkamayaw sa ingay ang mga studyanteng nanood. Nasa bench ko rin si Dean Merde kanina. Katatapos lang ng huling laro ko.

Kasama ko na siya ngayon dahil mag - uusap daw kami tungkol sa isang bagay.

Iniwan ko sila Athena sa Tennis court. Kanina'y halos siya ang manguna sa pag-cheer sa akin sa bawat palo ko ng bola.

Naglalakad na kami sa  hallway ni Dean nang makasalubong namin ang nakapamulsang Department Dean ng Criminology. Kakaiba ang ngiti habang nakatingin kay Dean Merde.

Magka-clash na naman ang dalawang 'to.

Nakikita ko tuloy sa kanila si Athena at Zeus.

"Merdi, kumusta? Makakahabol ka pa?" Isinenyas pa ang malaking flatscreen TV sa gilid ng hallway. Naroon ang mga resulta ng nanalo ngayong araw.

Nangunguna parin ang Department ni Dean Magnus. Sunod lang ang Department namin. Indoor games lang ang lamang kami. Habang sa Outdoor games ay halos sa Crim na.

"Shut up! Magnus. Baka hindi ako makapagtimpi, ipakain ko 'tong kamao ko sa'yo," napipikon na sabi niya sa lalaki.

"Merdi. Mainit na naman ang ulo mo. Kaya mas lalo kang tumatanda. Wala ka kasing boyfriend," natatawa pang sabi ni Dean Magnus.

Pareho na silang trenta pero kung umakto ay parang mga bata.

"Wow! Nagsalita ang walang girlfriend! Palibhasa walang papatol sa'yo mukha ka kasing aso! Bukas pa lang ang championship kung maka asta ka parang ka'yo na ang nanalo."

Napapailing na lang ako.

Inilagay ko ang isang kamay sa bulsa.

Nakikita ko ang amusement sa mga mata ng lalaki.

Tumawa uli si Dean Magnus.

"Marami akong babae, Merdi," pagyayabang pa sa kaharap.

"Hindi ko tinatanong! Matandang hukluban!" sigaw niya.

Okay...

Inirapan niya ang lalaki at nilagpasan. She even flip her hair na tumama sa mukha ni Dean Magnus. Sinadya pa niyang banggain sa balikat ang lalaki.

"Good luck, kid," he said and smiled at me.

I'm no kid anymore, Ninong. Umismid ako. Nilagpasan ko siya.



Ramdam kong nakasunod ang mga tingin niya kay Dean Merde na naglalakad sa hallway na parang Model sa runway. Umiindayog kasi ang balakang niya sa suot na masikip na skirt.

Sumipol si Dean Magnus na ikinangiwi ko.

Manwhore.

Pabagsak na binuksan ni Dean ang pribadong opisina niya. Halatang nagtitimpi lang kanina at ayaw patulan ang lalaki. Hindi siguro niya gustong ipakita na  nawawalan na 'to ng pag - asa para manalo. Malalaki na sila pero kung mag - away ay parang mga bata pa. Nagkokompetensiyahan sa isa't isa sa dahilang hindi ko alam. At wala akong ideya.

Ang dalawang Dean ay laging nagpapaligsahan sa kahit anong bagay sports, Dean's listing o sa kahit ano pa. Nahahalata tuloy na may nakaraan ang dalawa. Napailing ako.

Pabalik - balik ang lakad ni Dean sa harap ko habang nakapamewang. Nasa likod lang ako ng nakasarang pinto.

"Nakakainis talaga ang Magnus na 'yon," gigil na gigil sa turan niya.

Pumadyak pa ng ilang beses.

" 'Pag talaga ako ang nanalo bukas! Paluluhurin ko sa putik ang lalaking 'yon!"



Pinaypayan niya ang mukha gamit ang isang kamay. Hinintay ko siyang matapos ang litanya.

Lumapit siya sa mesa niya at kinuha ang bag. Inilabas ang isang pouch.

Nagretouch siya nang mukha na parang wala ako roon. Wala akong imik.

'Saka lang niya ako napansin nang matapos na sa ginagawa.

"Oh, Craig. Have a sit."

Iginaya ako sa upuan sa harap ng mesa nito.

Umupo naman ako.

"Na - approved ko na ang thesis mo at wala pang specific date para sa defend n'yo. Ikaw pa lang ang unang nagpasa ng feasibility niyo dahil hindi pa naman pasahan." Inilapag niya sa harap ko ang hard copy ng thesis ko.

"I hope mag-top ka uli sa Dean's listing, Craig. And don't forget your game tomorrow. Don't disappoint me. Ipanalo mo ang laban bukas at palalagpasin ko ang hindi mo pagpasok no'ng isang araw."

Alam agad niyang lumiban ako sa klase. She likes blackmailing.

Wala pa naman akong balak maglaro bukas. Sasabihin ko kaya?

Pinalo niya bigla ang mesa na ikinagulat ko. Napatingin ako sa kanya.

"Sisiguruhin ko talaga'ng matatalo ko na ang Magnus na 'yon!"

Akala ko ay nasabi ko ng malakas ang nasa isip.



Lumabas ako sa opisina niya pagkatapos kong sabihin dito ang kondisyon ko. Iniwan ko siya roon na nagsasalita mag - isa.

Alas singko na. Umuwi na siguro sila Athena. Naglakad ako patungo sa parking.

Malapit na ako roon nang mapatigil ako sa paglalakad dahil nakatayo si Hades sa gilid ng sasakyan niya at nakatitig sa bike ko na naisandal ko pala sa pinto ng Aston Martin niya kaninang umaga.

Hindi pa niya ako napansin sa tabi niya.

I fakely cleared my throat.

Lumingon siya sa akin. Isang metro lang ang layo namin sa isa't isa. Hindi maiwasang mapatingala ako. Matangkad talaga siya.

'Yan na naman siya.

Pinag - aaralan na naman niya ang mukha ko na parang iminememorya ang bawat detalye.

"Cyprus," he then muttered.

Saglit akong natigilan. Mukhang gusto niyang makita ang reaksiyin ko.



"I'm not Cyprus. My name is Alyssa," I said. Pinanatili ko ang blankong mukha.





Cyprus is a tibetan mastiff. Isang klase ng malaking aso. Tatlong taon pa lang sa 'kin ang asong iyon nang ipagkatiwala ko sa kanya, pitong taon na si Cyprus ngayon.

He wanted to confirm about his conclusions. I'm just glad that he is not sure about my identity.

"Are you playing safe right now?"



"I don't know what you're talking about."

Umiwas ako sa titig niya at ibinaling ang mata sa bisekleta.

"You are her, just admit it."

"Anong ibig mong sabihin?" Nagkunwari akong naguguluhan.

"You're her." Pagpipilit pa rin niya. Paano kaya niya naiisip na ako ito.

Okay. He was right, but how? Palagi akong nag-iingat lalo na't marami akong pinagtataguan.

Nagkukunwari lang ba siyang bulag noon? Ngunit napaka - imposible niyon.

Maliban na lang kung may palatandaan siya sa akin.

Bloody hell!

Naguguluhan na ako. Alam kong matalino siya pero wala akong maisip na dahilan.



"Are you okay? Mukhang hindi mo alam ang sinasabi mo." Tinalikuran ko siya at kinuha ang bisekletang nakasandal sa sasakyan niya.

Her Dauntless Eyes √Where stories live. Discover now