Kabanata 16

132 7 0
                                    



Helliza
(Alyssa)



                INIWAN ko ang dalawa sa music room. Kung madalas ay inaasar ni Zeus si Athena para magpapansin dito, ngayon ay iba na ang pinagtatalunan nila. Ayoko ng sumali sa drama ng dalawang 'yon.

Si Zeus na ang bahala kay Athena. I know Athena was a having a hint already. Hindi ko na pinigilan si Zeus nang sabihin niya ang totoong relasyon namin. Zeus's mother and my mom are sisters. At parehong wala na ang mga ito.

Mapait akong napangiti nang maalala kung bakit wala sila ngayon sa mundong ito. Isang trahedya ang dahilan kung bakit magulo ang sitwasyon ng aming pamilya ngayon.

Kaya ilang beses ko na ring binalaan si Zeus na mag-ingat sa mga desisyon niya. Ngunit matigas talaga ang ulo ng mga Zenith. Alam kong sa mga oras na ito ay pinapahayag na niya ang damdamin para kay Athena. And of course, Athena, is readable. May damdamin din siya para sa pinsan ko.

Sana una pa lang ay bumalakid na ako sa kanila. Hindi pa kami ang may kontrol sa sitwasyon ngunit pag-ibig na ang inuuna ng isang iyon.

Sumasakit ang ulo ko sa mga nangyayari. I hope in a week he'll change his mind and withdraw what he said. But love can destrotly hope.





Nakalabas na ako ng University at naisip kong dumaan muna sa pinakamalapit na grocery store. Wala na kasi akong stocks sa apartment. Tinignan ko ang laman ng bulsa at napakamot na lang.

Pumasok ako sa unang establishment na na kita. Kumuha ako ng pushcart 'saka. dumiretso sa mga preserved foods.

I felt my phone vibrated. Inilabas ko iyon sa bulsa at tinignan kung sino ang tumawag.

Zeus is calling.



Ano namang kailangan ng kumag na it? Hindi pa niya sinabi kanina. Puro na lang kasi Athena, Athena, at Athena ang laman ng utak niya. Masasapak ko na siya ng wala sa oras.

I pressed the accept button.

"Hell, magkita tayo mamaya sa Grim's Bar," bungad niya sa kabilang linya.

"For what," inis na sagot ko. Naghakot ako ng cup noodles at inilagay iyon sa pushcart.

"We'll talk later. Dadaanan ko na rin ang bisekleta mo sa garahe ni Regal."

" 'kay" maiksing tugon ko. Binabaan ko na siya ng tawag.

Umikot lang ako at dumampot ng mga kailangan ko pa na kasya sa dala kong pera.

Napadaan ako sa fruits section. Nadismaya ako sa presyo ng mga iyon. Ang hirap pala maging mahirap.

I push my cart to the leftside but I bump into someone's cart, unintentionally.

Napatingin ako sa cart na nagbanggaan, muntik na akong mainggit dahil punong-puno ang laman ng cart. Tumingala ako sa taong nagmamay-ari niyon.

Akala ko aatakihin na ako sa puso ng makasalubong ko ang itim niyang mata.

Nanlalabo ang mata pero nakilala ko naman siya agad base na rin sa lamig ng titig niya.

Inilayo ko ang cart ko sa kanya para makadaan siya sa kabila. Hinintay ko siyang lumagpas ngunit nanatili siyang nakatayo sa harap ko. Bumaling muli ako sa kanya at nakita ko kung paano niya suriin ang mukha ko. Nagmulha siyang estatwa sa harap ko.



May suot siyang wireless earphone sa kanang tenga. Medyo magulo ang buhok niya at mukhang galing siya sa pagtakbo base sa suot niya.

Nagbaba siya ng tingin. Napasunod naman ang tingin ko sa tinitignan niya.

Her Dauntless Eyes √Where stories live. Discover now